• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO naglabas ng SCO laban sa mga operator ng 2 jeep na sangkot sa viral na insidente ng road rage sa Caloocan

NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) noong Biyernes, Setyembre 27, ng Show Cause Order (SCO) laban sa mga rehistradong may-ari ng dalawang pampasaherong jeep na ang mga drayber ay sangkot sa banggaan at gitgitan na tila dulot ng road rage sa Caloocan.

 

 

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan din ang mga rehistradong may-ari ng dalawang pampasaherong jeep na tukuyin ang mga drayber ng kanilang mga sasakyan para sa hiwalay na imbestigasyon kung ang kanilang lisensya ay masususpinde o babawiin.

 

 

“Lubhang delikado ang ginawa ng dalawang driver na ito dahil kitang-kita sa video na nag-viral sa social media na may mga pasahero sila nung mangyari ang insidente,” ani Assec Mendoza.

 

“Hindi natin palalampasin ang mga ganitong klaseng asal lalo na ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan dahil hindi lang ang buhay nila ang nilalagay nila sa alanganin kung hindi pati na rin ang kanilang mga pasahero,” dagdag niya.

 

 

Ang viral na post sa social media ay in-upload ng isang netizen na nakasaksi sa insidente sa Barangay Bagong Silang na kinasasangkutan ng mga pampasaherong jeep na may mga plakang TVS-273 at TVN-720.

 

 

Sa video, makikita ang drayber ng isang pampasaherong jeep na sinadyang banggain ang likurang bahagi ng isa pang pampasaherong jeep. Dahil sa insidente, napilitan ang mga pasahero na bumaba sa mga sasakyan.

 

 

Makikita rin sa video na parehong mga sasakyan ang humarang sa malayang pagdaan ng iba pang mga motorista.

 

 

Sa SCO na nilagdaan ni Renante Militante, hepe ng LTO-Intelligence and Investigation Division, ipinatawag ang mga rehistradong may-ari ng dalawang jeep na humarap sa LTO Central Office sa Quezon City sa October 1 at magsumite ng nakasulat na paliwanag kung bakit hindi sila dapat parusahan sa pagkuha ng reckless driver.

 

 

Inatasan din ni Militante ang mga rehistradong may-ari na ipasumite ang kani-kanilang tsuper ng hiwalay na paliwanag para sa tatlong kaso—Reckless Driving (Seksyon 48 ng R.A. 41236), Obstruction of Traffic (Seksyon 54 ng RA 4136) at Improper Person to Operate a Motor Vehicle kaugnay sa insidenteng nabanggit ayon sa Seksyon 27(a) ng R.A. 4136.

 

 

“Meanwhile, please be informed that the Plate Nos. TVS-273 and TVN-720 will be temporarily placed under ALARM, preventing any and all transactions while the case is under investigation,” ayon sa SCO.

 

“Failure to appear and submit the written comments/explanations as required shall be construed by this Office as a waiver of your rights to be heard, and the case shall be decided based on the evidence on hand,” dagdag pa nito. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Ads May 14, 2024

  • RAVENA PURNADA ANG BL ALL-STAR GAME ‘21

    BUNSOD ng pilay sa kamay, hindi na makakabahagi sa B.League All-Star Weekend 2021 si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, sa Adasutria Mito Arena sa Mito City, Ibaraki Prefecture, Japan sa darating na Enero 15-16.   Kasama ang 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa B.White team na lalaban sa B.Black squad sa ikalawang araw ng […]

  • 51% ng pamilyang Pilipino, iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap- SWS

    UMAABOT ang iniuri ang kanilang sarili na mahirap noong Marso ng kasalukuyang taon batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).     Isinagawa ang naturang survey mula Marso 26 hanggang 29 ng kasalukuyang taon sa face to face interviews sa 1,200 Pilipino edad 18 pataas sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas at Mindanao. […]