• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, nangangailangan ng P6.8 bilyong piso para maresolba ang problema sa backlog ng plaka

TINATAYANG aabot sa P6.8 bilyong piso ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang usapin sa isyu ng kakulangan sa plaka.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO OIC Atty Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo.

 

 

Sinabi pa ni Vera Cruz, tanging Kongreso ang makapagbibigay sa kanila ng kailangang funding.

 

 

Tinuran pa ni Vera Cruz, kung tutuusin ay wala namang problema sa produksiyon ng plaka gayung mayroon aniya silang modern plate making plant.

 

 

Sinasabing may dalawang robot din aniya silang ginagamit para sa pagpo-produce para sa motorcycle plate at isa pa para sa wheel drive kayat walang problema sa backlog ani Vera Cruz basta’t naririyan lang ang pondo. (Daris Jose)

Other News
  • 2 tulak timbog sa P 9 milyon shabu sa Valenzuela

    UMABOT sa mahigit P.9 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug pushers na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.       Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng […]

  • ‘Conscience vote’ sa divorce bill lalarga sa Senado

    SINIGURO ni Senate President Chiz Escudero na paiiralin sa Senado ang “conscience vote” pagdating sa pagboto sa panukalang diborsyo sa Pilipinas.       Ayon kay Escudero, ang magiging posisyon ng Senado sa divorce bill ay conscience at personal vote at ibabatay sa kung ano ang kanya-kanyang paniniwala at relihiyon ng bawat senador.     […]

  • SBP naghihintay ng positibong tugon ni Kai Sotto para makapaglaro sa FIBA World Cup

    HINDI nawawalan ng pag-asa ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na mapapapayag nila si Kai Sotto na maglaro sa kasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2023.     Ayon kay SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios na nakipag-ugnayan na sila sa kampo ni Sotto.     Hinihintay na lamang nila ang […]