• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO pinag-aaralan kung dadagdagan ang tanong sa driver’s license exam

PINAG-AARALAN ng Land Transportation Office (LTO) kung dadagdagan ang mga tanong sa driver’s license exam na binibigay sa mga kumukuhang motorista.

 

 

 

Dahil na rin sa mga nakaraang insidente ng mga road rage kung kaya’t naisip ni assistant secretary Vigor Mendoza II niya na dagdagan ang mga katanungan dito.

 

 

 

“We consulted HPG also on this. We will continue with this issue of road rage incidents. There might be some questions that should be asked which are not included in the questionnaire. That would give us an indication if could really give a license or not,” wika ni Mendoza.

 

 

 

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa lang ng LTO ang ganitong panukala. Ito ay wala pang finality dahil ayaw din ng LTO na may napakahabang pagsusulit.

 

 

 

Magkakaroon ng strategic planning conference ang LTO kung saan ang issue na ito ay tatalakayin bilang karagdagan requirements sa pagkuha ng driver’s license. Kasama dito ang random tests kung saan ang mga tanong ay tutugma sa kanilang sasakyan o motorcycle ng aplikante.

 

 

 

Inaasahang ang pag-aaral sa pagbabago ng exam sa driver’s license ay matatapos hanggang katapusan ng taon. Dagdag pa ng LTO na tinitingnan din nila kung posible magbigay sila ng mas mataas na parusa at multa sa mga insidente ng road rage.

 

 

 

Sa ngayon, ang multa sa mga motorista na sangkot sa road rage na naging sanhi ng kamatayan o injury ay apat (4) na taong suspension o revocation ng driver’s license.

 

 

 

Noong nakaraang Aug. 19 sa Valenzuela City ay isang sports utility vehicle driver na may armas ang sinugod at tinutukan ang isang taxi driver.

 

 

 

Nang nakaraang Aug. 8 naman ay isang retired na pulis ang nangtutok ng baril sa isang cyclist sa lungsod ng Quezon na nakarating ang kaso sa Senado. LASACMAR

Other News
  • CHR ukol sa drug war report “No malice, we did our mandate”

    PINANINDIGAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang report nito na mayroong paggamit ng “excessive force” laban sa drug suspects at maraming biktima ang di umano’y tumanggi ang nauwi sa pagkamatay na karamihan ay mula sa marginalized communities.     “Contrary to remarks that seek to put malice in the crucial work of CHR, our […]

  • Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO

    FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte […]

  • Tanggap ng pamilya ang kanilang relasyon: KLEA, malayang-malaya na makasama ang girlfriend na si KATRICE

    NATUWA ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III na muli silang nagkatrabaho ni Dingdong Dantes pagkaraan ng isang dekada.       Kuwento ni Kuya Pip na tuwing nagkikita sila ni Dong, ang tawag niya rito parati ay Carlos Miguel. Yun kasi ang pangalan ni Dong sa unang teleserye na pinagsamahan nila na […]