• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO tutulong sa panghuhuli ng EDSA bus lane violators

TUTULONG ang Land Transportation Office (LTO) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panghuhuli ng mga motoristang ilegal na gumagamit ng EDSA bus lane.

 

 

 

Maglalagay ng kanilang sariling tauhan ang LTO upang manghuli ng mga motoristang ilegal na dumadan sa EDSA bus carousel.

 

 

 

Ito ang pinayahag ni LTO assistant secretary Vigo Mendoza II matapos ang isang taxi ay dumaan sa EDSA bus lane na siyang naging sagabal sa maayos na daloy ng mga buses sa EDSA bus lane noong nakaraang Sept. 23 ng magkaron ng baha sa tapat ng Camp Aquinaldo sa Quezon City.

 

 

 

Pinagutos ni Mendoza sa LTO-Nationa Capital Region na hanapin ang katauhan ng nasabing driver.

 

 

 

“Some abusive motorists have habitually used EDSA Bus Carouse. We recognize the limited manpower of MMDA to strictly enforce and while the LTO has the same problem, we will tap some of our enforcers to reinforce our brothers in the MMDA in keeping an eye on the EDSA Bus Carousel,” wika ni Mendoza.

 

 

 

Dagdag pa ni Mendoza na titiyakin niya ang agarang aksyon ng LTO upang maparusahan ang mga mahuhuling motorista na gagamit ng EDSA Bus Carousel.

 

 

 

Paulit-ulit na lamang nagbabala ang MMDA sa mga motorista na bawal ang pribadong sasakyan na dumaan at gumamit dito dahil ang innermost lane ay para lamang sa mga city buses at sasakyan na may emergency response tulad ng ambulance, fire trucks at sasakyan ng mga pulis.

 

 

 

Sumulat din si MMDA chairman Romando Artes sa LTO at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang patawan ng karampatang parusa ang naturang dalawang erring na motorista. Ang isang motorista naman na nahuling gumamit ng EDSA bus lane ay halos mabanga na ang isang MMDA traffic enforcer noong Sept. 21.

 

 

 

“Said irresponsible acts not only aggravated the traffic congestion brought about by the flooding in the area due to heavy rain, it also burdened commuters by adding a considerable amount of time to their travel. The unnamed taxi driver should be punished for irresponsible behavior aside from disregarding traffic signs and obstruction,” saad ni Artes.

 

 

 

Ayon pa rin kay Artes na ang mga ganon klaseng motorista ay isang salot sa lansangan sapagkat wala silang pakialam sa kaligtasan ng ibang motorista at ng mga traffic enforces. LASACMAR

Other News
  • Priority pa rin ang pamilya kesa sa pag-aartista: ELLEN, wish pa rin na magka-baby girl para tapos na ang ‘boxing’

    FIVE years old na si Elias Cruz ngayon, ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, kaya gusto na raw ng aktres na magkaroon sila ng anak ni Derek Ramsay.   Sa grand opening ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center kahapon sa Ore Central Building, BGC, inamin ni Ellen na wish pa rin […]

  • MMDA handa sa bantang 2-linggong welga ng PISTON

    NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon.     Ayon sa balita na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) at Manibele ay muling maglulungsad ng welga upang iprotesta ang plano ng […]

  • Posibleng nasa “low risk” na ang MM sa katapusan ng Oktubre

    SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na datos ang nagsasabi kung bababa ang quarantine classification sa bansa.   Tugon ito ni Sec. Roque sa pagtaya ng OCTA Research Group na posibleng nasa “low risk” na para sa COVID-19 ang Metro Manila sa katapusan ng Oktubre.   “Ang mabuting balita po ay pagdating po sa ICU […]