Lumayo muna sa sexy image dahil sa bagong serye: SID, masaya na muling makatrabaho sina DENNIS at BEA
- Published on September 30, 2023
- by @peoplesbalita
ANG linis at ang bangong tingnan ni Sid Lucero ngayon dahil sa role niya as Roald sa ‘Love Before Sunrise.’
Malayo na sa sexy image niya laging nakahubad at balbas-sarado sa mga pelikulang ginawa niya for Vivamax.
Ngayon ay parati na siyang ahit at may suot na damit dahil siya ang ka-love triangle nila Dennis Trillo at Bea Alonzo.
Nakatrabaho na noong 2010 ni Sid si Bea sa pelikulang ‘Miss You Like Crazy’. Si Dennis naman ay nakasama niya sa telefantasya na ‘Etheria: Ang Ikalimang Kaharian Ng Encantadia’ noong 2005.
“Kaya somehow I know kung paano silang magtrabahong dalawa. Ang saya lang na after so many years, nakasama ko ulit silang dalawa. Mas mature na kaming tatlo ngayon,” sey ni Sid.
Aabangan ng fans ang confrontations nila Dennis at Sid sa ‘Love Before Sunrise’. Sa pinasilip na trailer ng serye sa SM Megamall Cinema, pinalakpakan ng marami ang away nila dahil sa pagmamahal kay Bea na biro ng marami ay ang haba-haba ng hair!
***
SOBRANG proud si Wilma Doesnt dahil sa pagrampa ng kanyang panganay na anak na si Asiana sa nakaraang Bench Fashion Week 2023.
Tunay ngang sumusunod sa yapak ni Wilma ang kanyang anak sa pagiging isang fashion model.
Bago nag-showbiz si Wilma noong 1999, ilang taon din siyang naging runway at editorial model.
Sa Instagram, pinost ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ star ang photo ni Asiana at nilagyan niya ng caption na: “Ayyyyy… anyare… ung isang itik ko ohhhhh… palakad lakad ka jan nak ha… proud momma here…buti na lang talaga nagmana ka sa NANAY MO. Good job nak!!!! Emilia Asiana Dassent ibuhhhhhh…libre mo naman ako maniped hahahahaha.”
***
PUMANAW na sa edad na 82 ang British-Irish actor na si Michael Gambon, na nakilala dahil sa kanyang pagganap bilang si Professor Albus Dumbledore sa anim na Harry Potter films.
Mapayapang pumanaw sa ospital si Gambon, batay sa pahayag na inilabas ng pamilya.
Nagsimula ang career ni Gambon sa pag-arte sa entablado noong 1960s, at kinalaunan ay napanood na siya sa telebisyon at pelikula. Kabilang sa mga pelikula niyq ay The Cook, the Thief, His Wife & Her Lover” at The King’s Speech.
Lumawak ang audience niya nang palitan niya ang pumanaw na aktor na si Richard Harris bilang Dumbledore noong 2004.
Tumigil sa pag-arte sa teatro si Gambon noong 2015 dahil sa long-term memory problems, pero nagpatuloy siya sa paggawa ng pelikula hanggang noong 2019.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Petecio, Paalam babandera sa Team Philippines
BABANDERAHIN nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam bilang flag-bearers ang 16-member Philippine representation sa opening ceremony ng Paris Olympics bukas sa Seine River. “We’ll be a proud and hopeful 16-strong Team Philippines in the opening ceremony,” ani Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino. Makakasama nina […]
-
Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang importanteng pondohan ang family planning
HALOS siyam sa 10 Filipino adults ang naniniwala na importanteng paglaanan ng gobyerno ng sapag na pondo ang modern methods ng family planning. Batay sa lumabas na March 2022 Pulse Asia Survey, 88% ng respondents ang naniniwala na dapat maglaan ang pamahalaan ng pondo para sa modernong pamamaraan ng family planning, tulad ng […]
-
Carlos Yulo nasungkit ang world championship gold medal sa vault
Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang kauna-unahang gintong medalya matapos na namayagpag sa men’s vault event sa 2021 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan ngayong araw. Nagtapos ang 21-anyos ng average na 14.916 na pinalakas pa ng kanyang 15.033 score sa second vault matapos na makapagtala ng 14.800 […]