Lumobo pa ang pabuya sa mga makakamedalya
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
TATANGHALING multi-millionaire bukod pa matatamong karangalan at kaligayahan, ang sinumang mananalo ng gold medal sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8.
Pinalaki pa ni business tycoon Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation ang cash pot para sa quadrennial sports festival sa pagdagdag ng P10M sa bawat mag-uuwi ng gold, P5M sa mga makaka-silver at P2M sa bronze.
Isiniwalat ito nitong Martes ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na dumalo bilang bisita sa tuwing Martes na online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Smart at Upstream media.
Unang binunyag ni sports patron Manuel Pangilinan sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation ang additional na P10M-P5M-P2M para sa G-S-B medalists, katulad ng ipagkakaloob ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez.
“Now RSA is giving the same amount,” pagbubunyag ni Tolentino, hinirit na P30M na ang makukuha sa gold winner, P15M sa silver, at P6M sa bronze. (REC)
-
PBBM ‘di na ikinagulat pag-alma ng China sa Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Law
MAHALAGA rin umano ang dalawang batas dahil ito ang tumutukoy sa boundaries o teritoryong nasasakupan ng Pilipinas. Kung maalala, tinawag na iligal at invalid ng Chinese Foreign Ministry ang umano’y tangkang pag-whitewash ng Pilipinas sa illegal claims at mga aksyon sa West Philippine Sea at ipinatawag na rin nito ang Ambassador ng Pilipinas sa […]
-
KYLIE, binansagan na bilang ‘Thriller Queen’ kaya super react ang netizens
ANG sexy at sensual ng photo ni Kylie Verzosa na kung saan siya ang cover girl ng Esquire Magazine PH for the month of September. May tagline ito na ‘Thriller Queen’, dahil siguro sa pinag-uusapan na first lead role niya na erotic thriller film ni Direk Roman Perez na The Housemaid na hatid […]
-
DepEd, naghahanda na para sa 2022 global learning assessment
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na bumuo na sila ng technical working group para ihanda ang mga guro at estudyante na lalahok sa isang international learning assessment. Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, lalahok ang bansa sa susunod na Programme for International Student Assessment (PISA), na gaganapin sa 2022. Bagama’t kumpiyansa ang […]