• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lumutang na alegasyon na isang espiya ng China ang nadismis na si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

 

 

“Definitely DILG-PNP [Department of the Interior and Local Government-Philippine National Police] should investigate these allegations,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos.

 

 

Lumutang sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara nitong Biyernes ng gabi ang isang documentary video ng Al Jazeera kung saan inamin ni She Zhiijiang, isang self-confessed Chinese spy na siya at si Guo ay mga espiya na handang ialay ang buhay sa China’s Ministry of State Security (MSS).

 

Ayon kay Abalos, aatasan niya si PNP Chief P/Rommel Francisco Marbil para siyasatin ang seryosong alegasyon ng detenidong Chinese spy na magkasama sila ni Guo sa misyon.

 

 

Una nang pinagdudahan ang nagkalat at sangka­terbang bilang ng mga Chinese nationals na dumagsa sa bansa, karamihan dito ay mga estudyante umano at mga negosyante na nagkalat sa buong Pilipinas partikular na malapit sa EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sa Cagayan.

 

 

“It’s unfair, hindi ako spy,” tugon naman ni Guo kay Davao del Norte Rep. Cheeno Almario nang tanungin ito kung totoo ang isiniwalat ni She na kasamahan niyang espiya ng MSS si Guo.

 

 

Ang MSS ay responsable sa pange-espiya ng China sa ibang bansa, counter-intelligence, seguridad sa pulitika na ikinokonsiderang isa sa makapangyarihan at masikretong security agency sa buong mundo.

 

Sa nasabing video ay sinabi ni She na si Guo ay si Guo Hua Ping na Chinese name ng nasabing nadismis na alkalde, na hindi aniya dapat pagkatiwalaan at hinikayat itong sabihin na sa buong mundo ang katotohanan dahilan bistado na ito.

 

 

Idinagdag pa ni She na humingi umano si Guo na pondohan niya ang mayoralty campaign nito sa bansa noong Mayo 2022 polls pero tinanggihan niya.

 

 

Bagaman nabulaga si Guo sa nasabing video ay mariin niyang itinanggi na kilala niya si She at sinabing nais niyang maghain ng kaso laban dito pero sinabi ng solon na nakakulong na ang nasabing Chinese spy sa Thailand. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Tondo

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga food packs, tulong pinansiyal at medical services sa kaniyang personal na pagbisita sa 2,100 pamilyang na-displace dahil sa sumiklab na sunog sa residential area sa Purok Uno, Islang Puting Bato sa Tondo, Manila noong nakaraang linggo, Nobyembre 24.       Sa mensahe ng Pangulo […]

  • LTFRB, tumatanggap muli ng application for consolidation

    BUKAS na muli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa aplikasyon ng mga sasakyan na sasailalim sa consolidation system na bahagi ng PUV mo­dernization program ng pamahalaan.     Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, binuksan muli nitong Oktubre 15 ang pagtanggap ng aplikasyon para sa consolidation bilang tugon sa kahilingan ng […]

  • Citizen rights’ group nagbabala vs Konektadong Pinoy Act

    Nagpahayag ng pagkabahala ang isang citizens’ rights network sa panukalang Konektadong Pinoy Bill, o Senate Bill 2699, at sinabing ang bill, sa kasalukuyang porma nito, ay may oversight gaps na maaaring magresulta sa hindi sinasadyang negatibong epekto sa mga Pilipino.     Sa isang pahayag sa Facebook, sinabi ng CitizenWatch Philippines na nababahala ang organisasyon […]