• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maagang suspensyon ng trabaho sa Sept. 27, inanunsyo ng Malakanyang

INANUNSYO ng Malakanyang ang maagang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa darating na Setyembre 27 para mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makasama ang kanilang pamilya at makapagdiwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day”.

 

Sa Memorandum Circular (MC) No. 90, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Martes, nakasaad dito na ang trabaho sa mga government offices sa executive branch ay isususpinde ng mula 3:30 ng hapon sa Setyembre 27, na mas maaga ng 90 minuto kumpara sa normal work day.

 

“However, agencies whose functions involve the delivery of basic health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services, ” ang nakasaad sa MC.

 

Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang lahat ng government workers sa executive branch sa suportahan ang Family Week Celebration na inihanda ng National Committee on the Filipino Family.

 

Tinawagan din nito ang iba pang sangay ng pamahalaan, independent commissions o bodies, at private sector na makiisa at payagan ang mga pamilyang filipino na magdiwang ng ika- 29 na National Family Week.

 

Ang direktibang itong Malakanyang ay alinsunod sa Proclamation No. 60 of 1992, na idineklarang ang huling linggo ng Setyembre ng bawat taon ay Family Week.

Other News
  • Bryan, overwhelmed sa special award ng ’The EDDYS’: Movie ni VILMA sa Mentorque, ‘di tiyak kung isasali sa 50th MMFF

    MALAKI nga ang posibilidad ng muling paggawa ng pelikula ni Vilma Santos-Recto after ng successful comeback niya sa ‘When I Met You In Tokyo’ na naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival last year, na kung saan nagbigay sa kanya ng back-to-back best actress awards.       Isa nga ito sa napag-usapan sa […]

  • Pacquiao kumasa sa hamon ni Pres. Duterte

    Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kanya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon.     Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang […]

  • Government workers binigyang pagkilala ng PCSO

    PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang papel ng mga pampublikong tagapaglingkod kasabay ng pagsisi­mula ng bansa sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng serbisyo sibil ng Pilipinas.     “Every need that we can think about, we can expect that there are government workers trying their best to address it. […]