Maayos naman ang kalagayan sa Amerika: TOM, palilipasin muna ang isyu sa kanila ni CARLA bago magbalik-showbiz
- Published on August 24, 2022
- by @peoplesbalita
MAAYOS ang kalagayan ni Tom Rodriguez sa Amerika, pero kailangan daw muna siyang manatili doon at palipasin ang issue sa kanila ng ex-wife niyang si Carla Abellana.
Noong makapanayam si Tom ng GMA News, naging special judge ito sa ‘Miss Philippines USA’ sa San Diego, California. Ang naturang event ang first public appearance ni Tom mula nang maghiwalay sila ni Carla.
Aminado si Tom na nami-miss na niya ang kanyang trabaho sa Pilipinas bilang aktor. Kinatutuwa niya na maram siyang naka-lineup na trabaho sa Amerika.
“We got a few things lined up. I have been lucky enough to be a part of a series of shows. Hopefully, I can start plugging them soon,” masayang balita pa ng aktor.
Tiniyak din ni Tom sa kanyang mga kaibigan at fans na okey siya at moving on siya sa buhay niya.
“I’m okay and I really really appreciate the sentiments. I miss all of you guys right back so I can’t wait to see all of you again. Let’s collaborate, let’s work on something for all of us,” sey pa ni Tom na huling napanood sa teleserye na ‘The World Between Us’ na ipapalabas na sa Amazon Freevee.
***
NAGBABALIK sa modelling scene ang ’90s supermodel na si Linda Evangelista sa pamamagitan ng pagiging cover ng September 2022 issue ng British Vogue.
Kabilang noon si Linda sa top supermodels ng dekada ’90 kasabay sina Cindy Crawford, Naomi Campbell at Cristy Turlington.
Higit sa sampung taong hindi nagtrabaho ang 57-year old model dahil sa pinagdaanan niyang cosmetic procedure na sumira sa kanyang magandang mukha. Dinemanda niya for $50 million ang naturang beauty clinic for emotional stress ang loss of income.
Na-settle na raw ang lahat kaya naging kampante na si Linda na muling bumalik sa eksena. Sa kanyang comeback photoshoot, ginamitan daw siya ng tape at elastic para mabalik ang dating hugis ng mukha, leeg at panga niya.
“That’s not my jaw and neck in real life — and I can’t walk around with tape and elastics everywhere. You know what, I’m trying to love myself as I am, but for the photos. Look, for photos I always think we’re here to create fantasies. We’re creating dreams. I think it’s allowed. Also, all my insecurities are taken care of in these pictures, so I got to do what I love to do,” sey pa ni Linda.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Hidilyn Diaz tanggap na walang manonood na kaibigan at kaanak sa Tokyo Olympics
Handang sumabak sa Tokyo Olympics si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz kahit na walang manonood na mga kaibigan at kaanak. Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19. Sinabi ni Diaz na nalungkot […]
-
P2.4-B na ang refund sa mga nakanselang flights – Cebu Pacific
KINUMPIRMA ng Cebu Pacific Air na umaabot na sa P2.4 billion ang kanilang naibibigay na refund sa mga pasahero mula nang ipatupad ang mga kanselasyon ng biyahe dulot ng COVID crisis. Ang naturang halaga ay 50% umano ng mga natanggap na refund request. Sa ngayon meron pa silang nakabinbin na mga kahilingan na […]
-
Pamilya ng EJK victims umaasang makakamit ang hustisya mula sa ICC – Colmenares
Umaasa ang libo-libong pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) na kanilang makakamit ang hustisya kaugnay ng kalunos-lunos na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay sa International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa madugong drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang sinabi ni dating […]