Mababang bilang ng pasahero, inaasahan hanggang katapusan ng taon
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ng Bureau of immigration (BI) ang mababang bilang ng mga padating na pasahero haggang sa katapusan ng taon.
Sa datos ng BI, umabot lamang sa kabuuang 3.5 milyon na pasahero ang dumating mula January to September kumpara sa 13 milion sa kaparehas na taon.
“If you look at the figures, it starts with a strong 1.7 million arrival in January, then drops to less than 500,000 in March, and slumps to a mere 25,000 in April,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.
Iniuugnay ang mababang bilang ng pasahero sa COVID 19 kung saan nagpatupad ng travel restrictions hid lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ayon sa report ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO), travel at tourism ang higit na naapetuhan na sector dahil sa pandemic kung saan 58% hanggang 78% international tourist arrivals worldwide ang ibinaba nito sa taon na ito.
Ayon sa BI, bago ang deklarasyon ng COVID 19, Enero pa lamang ay sinuspinde na ang issuance ng Visa Upon Arrival facility, at February nang nag-isyu ng travel ban sa mga dayuhan galing China at ang special administrative regions hanggang sa pinalawak pa ito.
“We are optimistic and expect the numbers to pick up in 2021, hopefully when we see an end to this pandemic,” ayon kay Morente.
Ito ay kasunod din sa statement ng UNWTO na ang international travel ay makakarekober sa susunod na taon.
“We are ready to implement any changes in the travel restrictions imposed by the IATF (Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases),” said Morente. “We trust their wisdom, and our men are on standby to serve international travelers in our airports and seaports,” dagdag pa ni Morente. (Gene Adsuara)
-
Myanmar, mahirap at mabigat na problema para sa Asean-PBBM
ITINUTURING ng Southeast Asian bloc ASEAN na ang labanan sa military-ruled Myanmar ang pinakamabigat at mahirap na isyu para tugunan. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na may maliit na progreso tungo sa resolusyon at tumitinding labanan. Sa pagsasalita ng Pangulo sa isang forum sa Hawaii streamed live sa Pilipinas, winika […]
-
Pagbili ng submarine, nananatili pa ring bahagi ng plano ng Pinas- PBBM
NANANATILI pa ring bahagi ng plano ng Pilipinas ang pagbili ng submarine matapos ang development ng anti-submarine capabilitie nito. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng submarine ay ” still part of our plan,” sa isang ambush interview sa isinagawang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Navy (PN). […]
-
30M Pinoys, makikinabang mula sa 6-year housing program
TINATAYANG 30 milyong Filipinos ang inaasahang makikinabang sa 6-year housing program ng administrasyong Marcos sa 2028. Tinukoy ang year-end report ng administrasyon, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) ay nakikitang mapakikinabangan ng 30 […]