MABABANG COVID-CASES, NAITALA SA NAVOTAS
- Published on May 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAITALA ng Navotas City ang pinakamalaking kabawasan sa porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Nagrehistro ang lungsod ng -76% na pagbaba ng average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa pinakamataas na 137, ang kada araw na mga kaso sa lungsod ay sumadsad sa 33.
Ang estadistikang inilabas ng OCTA ay batay sa seven-day average mula Abril 25 hanggang Mayo1 kumpara sa peak seven-day average ng mga lokal na pamahalaan.
“We attribute this milestone to the hard work of all our frontliners as well as the aggressive contact tracing, testing, isolation, treatment and monitoring of our patients–from the time they become close contacts to the time we receive their test results or they complete their isolation period,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ayon sa OCTA, ang ADAR na higit sa 10 percent ay itinutuing pa ring mataas at dapat na maibaba ito ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa mas mababa sa 10 percent sa loob ng dalawang linggo para umusad sa moderate risk classification.
Ang Navotas ay nagtala ng 1,456 active cases noong Abril 5, ang pinakamataas sa buong taon. Hanggang Mayo 3, nakapagtala ang lungsod ng 413 active cases at 9,783 recoveries. (Richard Mesa)
-
Matapos na dumaan sa maraming pagsubok: KRISTOFFER, kinasal na sa non-showbiz girlfriend na si AC
MARRIED na ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang non-showbiz girlfriend na si AC Banzon. Naganap noong gabi ng February 3 sa Capas, Tarlac ang civil wedding ng dalawa. Kinasal sila ng mayor ng Capas na si Hon. Reynaldo Catacutan. Witness sa kanilang pag-iisang dibdib ay ang kanilang 5-year […]
-
Bukod tangi sa NCR, Navotas kinilala ng COA
NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito. Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila. Labis naman itong […]
-
HIGHLY-ANTICIPATED BIG SCREEN EVENT “FIVE BREAKUPS AND A ROMANCE” POISED TO SMASH BOX-OFFICE RECORDS ON OCT. 18
PHILIPPINES’ primetime “bidas” Alden Richards’ and Julia Montes’ highly-anticipated big screen event “Five Breakups and A Romance” is set to exceed estimates and continue to break the local movie industry’s slump when it opens in local cinemas nationwide on October 18. “Five Breakups and A Romance” is directed by Irene Villamor (also known […]