Mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict, isinusulong ng mambabatas
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ng isang mambabatas na mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict,” at matiyak ang produktibo at “crime-free” na buhay nila sa komunidad.
Sa House Bill 1681 o “Former Prisoners Employment Act,” sinabi ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas na kadalasan na kapag nakalaya na ang mga bilanggo ay nahaharap sila sa iba’t ibang hamon, gaya na lamang ng “stigma” o kaya’y diskriminasyon.
Dahil dito, nahihirapan silang makapasok sa trabaho, lalo na kung kulang din sila sa edukasyon.
Kaya naman giit ng kongresista, mabuting tumulong ang pamahalaan o mga institusyon at bigyan ng ikalawang pagkakataon sa buhay ang mga dating preso.
Kapag naging ganap na batas, bubuo ng isang Office of Employment Opportunities for Former Prisoners, sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Nakasaad pa rito na ang mga pribadong negosyo na magha-hire o tatanggap sa mga dating bilanggo sa trabaho ay pagkakalooban ng insentibo tulad ng “tax credit.” (Ara Romero)
-
MAXENE, pinagmalaki ang screenshot na reply ng idol na si JENNIFER ANISTON sa IG post
WINNER si Maxene Magalona nang makita namin ang comment ng Hollywood actress at iniidolong si Jennifer Aniston sa naging Instagram post. Malamang over the moon si Maxene pagkabasa pa lang siguro ang reply sa IG post niya ni Jennifer. Nag-post kasi si Maxene ng picture at video ng “Lolavie” a vegan […]
-
Higit 4,700 indibidwal stranded dahil sa Super Typhoon Pepito – PCG
Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa mahigit 4,784 pasahero ang naiulat na stranded dahil sa sama ng panahon dulot ng Super Typhoon Pepito. Batay sa Maritime Safety Advisory na inilabas ngayong umaga tinukoy ng PCG ang mga apektadong lugar gaya ng Southern Tagalog, Eastern Visayas, Bicol, Central Visayas at Western Visayas. Bukod sa mga […]
-
Mga guro, non-teaching personnel obligadong magparehistro sa PhilHealth– CHED
Ginagawang requirement sa ngayon para sa mga guro at non-teaching personnel na makikibahagi sa limited face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad ang pagpaparehistro sa PhilHealth, ayon sa Commission on Higher Education (CHED). Sinabi ni CHED Executive Director IV Atty. Cinderella Jaro na ang hakbang na ito ay magtitiyak na kapag tamaan man […]