Mabilis na hustisya sa 4 na sundalong na-ambush, iniutos ni PBBM
- Published on March 20, 2024
- by @peoplesbalita
KINONDENA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur.
Sa official X o dating Twitter account ni Marcos, sinabi nito na lalo pang pag-iigihan ng pamahalaan na labanan ang terorismo sa bansa.
“We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our courageous soldiers in Maguindanao del Sur on March 17,” pahayag ng Pangulo.
“This despicable act only strengthens our resolve to eradicate terrorism from the region and our entire nation,” dagdag niya.
Tiniyak din ni Marcos sa pamilya ng apat na sundalo na bibigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.
Iniutos na rin ng Pangulo ang agarang pagbibigay ng benepisyo, tulong at suporta sa pamilya ng mga biktima.
Nabatid na ang naturang mga sundalo ay pabalik na sa kanilang patrol base matapos mamalengke ng pagkain para sa “iftar” ng mga nag-aayunong kapatid na Muslim nang bigla silang inatake.
Ayon kay Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido, isinasagawa ng tropa ang pa-iftar tuwing Ramadan bilang pakikiisa sa mga sibilyang Muslim na pinoprotektahan ng mga sundalo.
Tiniyak ni Galido na hindi titigil ang Philippine Army hangga’t hindi napapanagot ang mga responsable sa karumal-dumal na krimen. (Daris Jose)
-
Why this Residential Oasis in Laguna is Gaining Attention from Real Estate Buyers
Remember way back when there was an abundance of green spaces in rural and even urban residential areas? Relaxation and play were part of everyday life, and residents experienced better physical health and overall satisfaction with life. Greenfield Development Corporation understands this deep yearning for an inspired life within a better urban […]
-
Mas maraming envoys, nag-courtesy visits kay Marcos
PATULOY ang pagdating ng mga diplomats para magbigay ng courtesy visits kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kabilang na rito sina United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos. Sinabi ni Thunborg na ang […]
-
Zack Snyder, Unveiled New Character Poster for Ben Affleck’s Batman in ‘JL’
A new poster for Zack Snyder’s Justice League puts the spotlight on Batman’s latest costume. Director Zack Snyder has finally been granted the opportunity to finish his intended DCEU team-up film, which unites the franchise’s most iconic heroes for an epic battle. Justice League will premiere on HBO Max on March 18 as a 4-hour movie, as […]