• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 20th, 2024

BFP inirekomenda ang overhauling ng electrical system sa PGH

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIREKOMENDA  ng Bureau of Fire Proteksyon (BFP) ng pag-overhaul sa electrical system ng Philippine General Hospital.

 

 

Kasunod ito sa naganap na sunog sa nasabing pagamutan noong nakaraang linggo.

 

 

Balik sa normal operasyon na ang emergency room ng pagamutan matapos na naayos na ang napinsala ng sunog.

 

 

Magugunitang itinaas sa ikalawang alarma ang sunog kung saan nasa 180 na pasyente ang inilkas na mayroong pinsala na aabot sa mahigit P1-milyon. (Daris Jose)

PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag  ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa likod ng mga balita.

 

 

Para sa mga reporters, isa itong natatanging araw na nagsasalo-salo at makadaupang-palad kasama ang mga matataas na opisyal ng Alted Publication sa pamumuno ng Presidente na si  Alma Torres at ang CEO at Publisher na si Teddy Boy Torres (na kasalukuyang nasa ibang bansa) kundi isa ring pagkilala sa mga ambag ng kanilang mga reporters at photographers nang binigyan sila ng  Sertipiko ng Pagkilala.

 

 

Sinariwa ni Madam Torres nang sa kanya ipinagkatiwala ang pamamahala ng People’s Balita na tila isang suntok sa buwan kung paano nito pamunuan dahil hindi naman niya ito ‘forte’ subalit sa payo ng ilang kaibigan at sa tulong ng Maykapal ay kanya itong  napagtagumpayan na maituturing na isa sa mga ‘nabubuhay’ at matibay  na tabloid sa Pilipinas magpahanggang ngayon.

 

 

Dumaan din sa malaking pagsubok ang People’s Balita sa panahon ng pandemya kung saan mahigit dalawang taon na mistulang dumapa, subalit dahil sa determinasyon ng Presidente ay patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag.

 

 

Isa ring malaking sorpresa sa pagtitipon ang pagdating ng Bise Alkalde ng Maynila na si John Marvin “Yul Servo” Cruz Nieto  na dumalo at   bumati sa naabot na taon nang pamamayagpag ng People’s Balita at kinilala rin nito  ang  malayang pamamahayag. Napakalaking karangalan ang pagdalo ni Vice -Mayor dahil alam naming sobrang abala nito sa dami ng schedules pero nagawa nitong puntahan ang nasabing imbitasyon sa lugar ng Quezon City.

 

 

Nagbahagi rin ng kanilang karanasan ang PR Consultant at columnist na si Bishop Jesus Basco, General Manager Edward Debaculos, Editor-in-Chief Mary Rose Antazo, Entertainment Editor na si Rohn Rohn Romulo, maging ang dating People’s Balita Editor-in-chief na si Danny Marquez, espesyal na panauhin na sina Terry Bagalso at Zhalir Jaila na naging bahagi ng Atlas Publication at ng pahayagang ito.

 

 

Naroon din ang masisipag at magagaling na manunulat na sina Vina De Guzman aka Ara Romero, Richard Mesa, Gene Adsuara, mag-asawang Atty. Ferdinand Sacmar and Lally Sacmar na matagal ng may column na Transport News sa People’s Balita.

 

 

Pagkilala rin sa mga masisipag na empleyado sa Editorial at opisina ng Alted Publication na naroroon gaya nina Cecil Baldovino, Carl Dacasin, Paolo Torres, Rovic Botones, Lenlen Nabas, Stephen Ogalesco, Janet Ferrer, Dapne Bacacao, Mary Rose Robleza, Luisa Belanigue at Leo Asurto.

 

 

Itinatag ang People’s Balita noong 1986 sa pamumuno ni Don Ramos Roces, ang Atlas Publishing Corp, na bukod sa Peoples Balita ay ito rin ang publisher ng Pilipino, Hiwaga, Tagalog Espesyal, True Ghost, Extra Especial, True Horoscope at iba pang kilalang komiKs sa Pilipinas.

 

 

Nailipat ang pagmamay-ari ng Atlas Publication Inc at People’s Balita sa pamilya Socorro Ramos kaya bukod sa nabibili ang diyaryo sa bangketa ay nabibili rin ito sa National Bookstore at opisyal na naging pagmamay-ari ang pahayagang ito sa ilalim ng pamamahala nina Teddy Boy Torres at Alma Torres taong 2013 at ang mga sumunod pang pangyayari ay isa nang kasaysayan. Muli, ang aming pagbati sa People’s Balita ng Maligayang ika-38 taong Anibersaryo! GENE ADSUARA

Kelot na umiwas sa multa, laglag sa selda sa Caloocan

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA halip na multa lang, sa loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa kahabaan ng Phase 8A, Bagong Silang, Brgy., 176, dakong alas-8:30 ng gabi nang matiyempuhan nila ang isang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR), nagtangka itong tumakas subalit, nagawa rin siyang makorner ng humabol na mga pulis at dito nila napansin ang puluhan ng baril na nakausli sa kanang baywang ng suspek na si alyas “Boy”.

 

 

Kaagad kinumpiska ng mga pulis sa suspek ang dalang isang cal. 38 revolver na kargado ng dalawang bala at nang hanapan siya ng kaukulang dokumento hinggil sa legalidad ng naturang armas ay wala siyang naipakita kaya binitbit siya sa selda.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan police sa kanilang pinaigting na police visibility sa lungsod bilang tugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Richard Mesa)

Human rights violations sa Pinas, bumaba sa kalahati noong nakaraang taon -PBBM

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA sa kalahati ang insidente ng paglabag sa karapatang-pantao sa Pilipinas noong nakaraang taon, kumpara sa taong 2022.

 

 

Hindi naman nagbigay pa ng detalye si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ukol sa bagay na ito sa kanyang naging talumpati sa isinagawang oath-taking ceremony ng star-rank officials ng Philippine National Police sa Palasyo ng Malakanyang subalit iginiit ng Punong Ehekutibo na ang “significant drop” sa human rights violations ay patunay na nakikita ng administrasyon ang “rule of law” bilang “indispensable” sa pagtataguyod sa kawalan ng katarungan.

 

 

“It proves that rules that strengthen the fabric of our democracy–rules that our heroes had died for, rules that enshrined in our Constitution, are not inconveniences in policing but are in fact integral and indispensable in serving up justice,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo sa kanyang talumpati na naibaba ng gobyerno ng Pilipinas ang bilang ng index crimes mula 107,899 noong 2017 sa 38,436 noong 2023.

 

 

“In the past year, we reached 98 percent crime clearance efficiency. And we have sustained this continuing crusade in the first two months of 2024. Compared to January to February of last year, there were fewer cases of theft, of robbery, carnapping, rape, and physical injury,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

“And we have done it without resorting to legal shortcuts or short-circuiting the process or acts that subvert the rule of law,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, nakasaad sa 2024 World Report ng Human Rights Watch na ang “human rights situation in the Philippines remains dire amid extrajudicial killings, attacks against political activists and journalists, and abuses committed during the armed conflict with the 54-year-old communist insurgency.”

 

 

Sinabi pa ng HRW na habang ang pagpatay sa ilalim ng bloody drug war ng gobyerno ay bumaba mula nang maupo si Pangulong Marcos sa puwesto, nagpapatuloy naman itong bumababa sa ngayon.

 

 

“As of November 15, 471 people have been killed in drug-related violence under Marcos, perpetrated both by law enforcers and unidentified assailants. Most of these cases, as with the previous ones, remain uninvestigated,” ayon sa HRW.

 

 

Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga PNP generals na patuloy lamang na manatiling tapat sa kanilang tungkulin sa pagsisilbi sa mga mamamayan.

 

 

Tiniyak din niya sa mga ito na palalakasin ang kakayahan ng PNP at ang kapakanan ng mga tauhan ng PNP.

 

 

Ang hirit pa ng Pangulo sa mga ito ay “leverage on technology” sa paglaban sa cybercrimes, “where the emerging and evolving digital landscape faces threats that can undo its potential contribution to national growth.”

 

 

“All breaches in our digital correspondences and transactions are inimical to the people’s welfare and national interest. We cannot allow electronic pickpocketing and all forms of robberies which are the digital equivalent of bag snatching,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“Cybercriminals also prey on the innocence of our young, by stealing their dignity, and the vulnerabilities of our seniors, who are defrauded of their life savings. On a larger scale, they rob business firms, raiding their vaults, without breaking them down.” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na pinalalakas ng gobyerno ang anti-cybercrime efforts nito mula sa detection at pagtugon sa mga case build-up at resolution.

 

 

Ipagpapatuloy naman ng pamahalaan ang pagsasanay sa mga PNP personnel sa paglaban sa cybercrime at palakasin ang cybersecurity capabilities ng mga ito.

(Daris Jose)

Mabilis na hustisya sa 4 na sundalong na-ambush, iniutos ni PBBM

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur.

 

 

Sa official X o dating Twitter account ni Marcos, sinabi nito na lalo pang pag-iigihan ng pamahalaan na labanan ang terorismo sa bansa.

 

 

“We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our courageous soldiers in Maguindanao del Sur on March 17,” pahayag ng Pangulo.

 

 

“This despicable act only strengthens our resolve to eradicate terrorism from the region and our entire nation,” dagdag niya.

 

 

Tiniyak din ni Marcos sa pamilya ng apat na sundalo na bibigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

 

 

Iniutos na rin ng Pangulo ang agarang pagbibigay ng benepisyo, tulong at suporta sa pamilya ng mga biktima.

 

 

Nabatid na ang naturang mga sundalo ay pabalik na sa kanilang patrol base matapos mamalengke ng pagkain para sa “iftar” ng mga nag-aayunong kapatid na Muslim nang bigla silang inatake.

 

 

Ayon kay Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido, isinasagawa ng tropa ang pa-iftar tuwing Ramadan bilang pakikiisa sa mga sibilyang Muslim na pinoprotektahan ng mga sundalo.

 

 

Tiniyak ni Galido na hindi titigil ang Philippine Army hangga’t hindi napapanagot ang mga responsable sa karumal-dumal na krimen. (Daris Jose)

PNP, naka-heightened alert na para sa Semana Santa 2024

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINAAS na sa heightened alert status ang buong hanay ng Philippine National Police bilang paghahanda sa pagpapatupad ng segurdidad at kapayapaan para sa darating na paggunita ng Semana Santa sa bansa.

 

 

Sa isang panayam sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na sa tuwing sasapit ang panahon ng Holy Week ay otomatiko nang ipinatutupad ng Pambansang Pulisya ang pagtataas ng alert status nito.

 

 

Gayunpaman ay binigyan din aniya ng authority at discretion ng PNP ang lahat ng mga regional directors na magdesisyon kung kinakailangan bang mas itaas pa sa full alert level ang Kani-kanilang mga nasasakupang lugar depend sa kanilang sitwasyon nito.

 

 

Sa kabilang banda naman ay iniulat din ni PCol. Fajardo na wala pa silang natatanggap na anumang uri ng banta sa seguridad na may kaugnayan sa paggunita ng Semana Santa.

 

 

Ngunit tiniyak ng opisyal na sa kabila nito ay hindi pa rin aniya magpapaka-kumpiyansa ang PNP at magtutuloy-tuloy PA rin aniya ang ginagawang koordinasyon nito sa iba pang mga law enforcement unit ng bansa tulad ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng taumbayan ngayong panahon ng Semana Santa.

 

 

Samantala, una nang inihayag ng PNP na maaga pa lamang ay nakalatag na ang kanilang seguridad para sa Oplan Semana Santa at maging sa kabuuan ng summer vacation.

 

 

Kung saan nasa kabuuang 34,000 na mga pulis ang kanilang ipapakalat sa buong bansa partikular na sa mga lugar na tinukoy na areas of convergence tulad ng mga bahay sambahan, terminal, pantalan, paliparan, at iba pa.

 

 

Kabilang din sa inilatag na security ng Pambansang Pulisya ay ang paglalagay ng mga police assistance desks sa mga major thoroughfares, gayundin ang pagbabantay sa mga tourist destinations Lalo na ngayong inaasahan ang pagdagsa ng mga teroristang sasamantalahin ang long weekend para makapagbakasyon.

 

 

Kaalinsabay nito ay patuloy pa rin na nananawagan ang PNP sa publiko na palaging mag-ingat at maging alisto sa lahat ng oras at agad na ipagbigay Alam sa Pulisya ang anumang uri ng mga kahina-hinalang gawain, bagay o indibidwal na kanilang mamamataan. (Daris Jose)

The Cat’s Out of the Bag: “The Garfield Movie” Unveils New Trailer Featuring Chris Pratt

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GET ready for a hilarious journey with “The Garfield Movie,” starring Chris Pratt and Samuel L. Jackson.

 

Join Garfield in an epic outdoor adventure hitting screens on May 29. Don’t miss out!

 

A new kind of adventure claws its way into theaters with the much-anticipated release of “The Garfield Movie,” now teasing audiences with its latest trailer.

 

Starring Chris Pratt as the voice of the iconic, lasagna-loving feline, this cinematic journey promises laughter, action, and the kind of heartwarming moments that make for perfect family outings.

 

 

The Tale Behind the Tail

Garfield, the quintessential indoor cat with a taste for comfort (and lasagna), finds his world turned upside down in this hilarious tale. Voiced by Chris Pratt, Garfield embarks on an unexpected adventure when he meets his long-lost father, Vic, voiced by the formidable Samuel L. Jackson. This unlikely reunion sets the stage for a whirlwind of adventures and misadventures, introducing Garfield and his pal Odie to the thrill of the great outdoors and the challenge of a daring heist.

 

 

A Star-studded Cast

Directed by the talented Mark Dindal and brought to life by a screenplay crafted by Paul A. Kaplan, Mark Torgove, and David Reynolds, “The Garfield Movie” shines bright with its impressive roster of voice talents. Samuel L. Jackson, Hannah Waddingham, Ving Rhames, Nicholas Hoult, Cecily Strong, Harvey Guillén, Brett Goldstein, and Bowen Yang lend their voices to create a memorable cast of characters that viewers will fall in love with.

 

 

Don’t Miss the Fun

Distributed by Columbia Pictures, Sony Pictures Releasing International’s local office in the Philippines, “The Garfield Movie” is set to become a nationwide sensation. Fans are invited to engage with the film online using the hashtag #GarfieldMovie and gear up for a cinematic experience that’s as entertaining as it is heartwarming.

 

 

Mark your calendars for May 29, 2024, and get ready for “The Garfield Movie,” a delightful tale of adventure, family, and the unbreakable bonds of friendship.

 

 

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

“Under a Piaya Moon” at “Last Shift”, waging-wagi sa ‘Puregold CinePanalo Film Festival’

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
ANG “Under a Piaya Moon” at “Last Shift” ang nagwagi sa inaasam-asam na Pinakapanalong Pelikula sa full-length and short film category sa inaugural na Gabi ng Parangal ng Puregold CinePanalo Film Festival. 
Ginanap noong Marso 16 sa Gateway Cineplex 18, ito ay isang emosyonal na gabi bilang parehong established names pati na rin ang mga young up-and-comers ay tumanggap ng pagkilala para sa kanilang katangi-tangi pagsisikap.
Sa full-length na kategorya, ang debut feature ni Kurt Soberano na “Under a Piaya Moon” ang nag-iwan ng pinakamalaking epekto nang humakot ito ng anim na parangal kasama na ang inaasam na Panalong Aktor at Panalong Pangalawang Aktor.
Hindi rin nagpahuli si Sigrid Andrea Bernardo sa kanyang “Pushcart Tales” na nakapag-uwi ng apat na parangal kabilang ang Panalong Direktor at Panalong Karangalan mula sa mga hurado.
Samantala sa mga student shorts, ang “Last Shift” ay nakamit ang pinakamaraming parangal, na nanalo ng limang parangal kasama ang Panalong Aktor and Panalong Pangalawang Aktor.
Ang “Kung Nag-aatubili” ni Diezelle C. Masilungan ay nakakuha ng kabuuang apat na parangal kabilang ang Panalong Direktor at nakatabla sa Panalong Pangalawang Aktor.
Ang mga nagwagi ng parangal ay pinili ng isang tinitingalang hurado ng mga hukom.
Victor Villanueva, Emmanuel dela Cruz, Lito Zulueta, nagsilbing ang hurado para sa short film category habang si Jeffery Jeturian, Mae Cruz-Alviar, at June Kim ay nagsilbi para sa full-length na kategorya.
Festival directors Ivy Hayagan-Piedad and Chris Cahilig kasama si Lyle Gonzales ng Republic Creative na nagsilbi sa dalawa mga hurado.
Ang mga kinatawan mula sa mga ka-partner sa pagdiriwang na MTRCB at Mowelfund ay dumalo din upang magbigay ng mga espesyal na premyo sa pambihirang mga entry sa pelikula.
Ang “Smokey Journey,” “Tiil ni Lola,” at “Kung Nag-aatubili” ang nakatanggap ng una, pangalawa, at pangatlong gantimpala ayon sa pagkakasunod-sunod sa MTRCB Responsableng Paglikha sa short-film category, habang ang “Under a Piaya Moon” ang nag-uwi ng parangal sa full-length category.
Nagbigay din ang Mowelfund ng mga espesyal na pagsipi para sa “Ka Benjie” sa kategorya ng maikling pelikula at “Under a Piaya Moon” sa full-length na kategorya. Namigay din sila ng mga scholarship sa sampung mag-aaral na gumagawa ng pelikula na lumahok sa pagdiriwang.
Ang mga screening ng mga festival films ay magkakaroon ng extended run sa Gateway 2 Cinemas simula sa araw na ito Marso 20, Miyerkules at magtatapos sa Marso 26.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:
PINAKAPANALONG PELIKULA
Full-length: “Under a Piaya Moon”
Short Film: “Last Shift”
ALWAYS PANALO FILM
Full-length: “A Lab Story”
Short Film: “Smokey Journey”
PANALONG DIREKTOR
Full-length: Sigrid Andrea Bernardo, “Pushcart Tales”
Short Film: Dizelle C. Masilungan, “Kung Nag-aatubili”
PANALONG AKTRES
Full-length: Shamaine Buencamino, “Pushcart Tales”
Short Film: Jade Mary Cornelia, “Text FIND DAD and Send to
2366”
PANALONG AKTOR
Full-length: Carlos Siguion-Reyna, “Pushcart Tales,” and Jeff
Moses, “Under a Piaya Moon”
Short Film: Jules Azaula, “Last Shift,” and Cristmer Valencia,
“May Kulay Rosas Ba sa Bahaghari?”
PANALONG KARANGALAN MULA SA MGA HURADO
Full-length: “Pushcart Tales”
Short Film: “Text FIND DAD and Send to 2366”
PANALO SA MGA MANONOOD
Full-length: “A Lab Story”
Short Film: “Saan Ako Pinaglihi?”
PANALONG PANGALAWANG AKTRES
Full-length: Nicole Omillo, “Boys at the Back”
Short Film: Maila Rediang, “Repeater si Peter”
PANALONG PANGALAWANG AKTOR
Full-length: Joel Torre, “Under a Piaya Moon”
Short Film: Vince Macapobre, “Last Shift,” and Aiskhylos
Akiyama, “Kung Nag-aatubili”
PANALONG KWENTO
Full-length: Raynier F. Brizuela, “Boys at the Back”
Short Film: Ronjay-C Mendiola, “Last Shift”
MOWELFUND SPECIAL CITATION
Full-length: “Under a Piaya Moon”
Short Film: “Ka Benjie”
MOWELFUND SCHOLARSHIP AWARDS
Kent Michael Cadungog, “Text FIND DAD and Send to 2366”
Jenievive B. Adame, “Smokey Journey”
Daniel Gil, “Distansya”
John Llever Sucaldito, “Tambal nga Sabaw”
Reutsche Colle Rigurosa Lima, “Till ni Lola”
Alexa Moneii Agaloos, “Ka Benjie”
John Pistol L. Carmen, “Repeater si Peter”)
Dizelle C. Masilungan, “Kung Nag-aatubill”)
Joshua Andrey A. Doce, “I Am Mutya and I Thank You!”
Marian Jayce R. Tiongzon, “May Kulay Rosas Ba Sa Bahaghari?”
MTRCB RESPONSABLENG PAGLIKHA
Full-length: “Under a Piaya Moon”
Short Film
1 st Place: “Smokey Journey”
2 nd Place: “Tiil ni Lola”
3 rd Place: "Kung Nag-aatubili”
PANALO SA CINEMATOGRAPHY
Full-length: Nathan Bringuer, “Under a Piaya Moon”
Short Film: Anton Acosta, “Kung Nag-aatubili”
PANALO SA PRODUCTION DESIGN
Full-Length: Kurt Soberano and Jed Sicangco, “Under a Piaya
Moon”
Short Film: Mikaela Ganaden, “Remedy Soup”
PANALONG AWITIN
Full-length: “Mahal Kita” by VJ Mendoza, “Road to Happy”
Short Film: “Balik” by Dixzie Dione Cruel, “Tiil ni Lola”
PANALONG ENSEMBLE
Full-length: “Pushcart Tales”
Short Film: “Smokey Journey”
PANALO SA MUSICAL SCORING
Full-length: Owa Marquez, “Boys at the Back”
Short Film: Bernie del Carmen, “Smokey Journey”
PANALO SA EDITING
Full-length: Kurt Soberano and Rodney Jarder Jr., “Under a Piaya
Moon”
Short Film: Reutsche Colle Lima, Nyle Justin Bacolod, and Elj
Seth Tababa, “Tiil ni Lola”
PANALO SA SOUND DESIGN
Full-length: Nioki Aquino, “Pushcart Tales”
Short Film: Kzee Flores, “May Kulay Rosas Ba sa Bahaghari?”
PANALO SA FILM POSTER
Full-length: “Boys at the Back”
Short Film: “Last Shift”
(ROHN ROMULO)

Okay na sila at naka-move on na: MIKAEL, umiwas magsalita sa naging issue ni MEGAN sa Miss World 2024 pageant

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-RENEW ng kanyang exclusive contract with GMA si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose last March 12.

 

 

Labis ang pasasalamat ni Julie sa GMA dahil sa magandang career na binigay sa kanya simula pa nung naging contestant siya sa Popstar Kids noong 2005.

 

 

“GMA Network, thank you so much for believing in me, my talents, and my capabilities. I also want to thank Sparkle, thank you so much po. Sa GMA Entertainment Group, thank you for allowing me to grow and to all the people I’ve worked with, GMA Synergy even GMA News, and sa GMA Pictures din po.

 

 

“Kaya nga tinawag na Kapuso kasi dito, mafe-feel mo yung love ng mga tao na nakasuporta sayo, at tumutulong sayo na mag-improve sa craft mo. Dito ko nakita at naramdaman yun, with GMA. That’s why I’m forever proud to be a Kapuso,” sey ni Julie.

 

 

Sa April ay lilipad for Canada ang JulieVer para sa show na Sparkle Goes To Canada on April 5 sa Calgary at April 7 sa Toronto. Both shows are directed by Johnny “Mr. M” Manahan.

 

 

Makakasama nila sa dalawang shows ang Sparkle couple na sina Bianca Umali and Ruru Madrid at Sparkle loveteam na BarDa nila Barbie Forteza and David Licauco. At ka-join din si Boobay.

 

 

***

 

 

UMIWAS na magsalita si Mikael Daez tungkol sa naging issue ng kanyang misis na si Miss World 2013 Megan Young sa nakaraang Miss World 2024 pageant.

 

 

Umani kasi ng batikos si Megan pagkatapos nitong ayusin ang buhok ni Miss Botswana onstage at siya ang sinisi ng mga Botswanians kung bakit ito natalo dahil minalas ang kanilang kandidata sa ginawa ni Megan.

 

 

Nag-issue naman agad ng public apology si Megan dahil hindi niya alam na mali ang ginawa niya.

 

 

Sagot lang ni Mikael: “We’re good. Tapos na ‘yun. We moved on and enjoy life.”

 

 

Mas pinag-usapan ni Mikael sa ‘Best Time Ever’ mediacon ay ang upcoming second season ng ‘Running Man Philippines’ kunsaan ang bagong runner nila ay si Miguel Tanfelix.

 

 

“In fairness kay Miguel, sobrang nag-enjoy kami. Talagang walang problema with him jumping in kaya nakakatuwa. Mararamdaman niyo ‘yun.

 

 

“Ngayon kasi, close na talaga kami at talagang ‘yung friendship namin talagang nag-solidify. Iba kasi ‘yung nagiging jokes, comedy, at mga sitwasyon na lumalabas ‘pag talagang komportable talaga sa isa’t-isa,” sey ni Mikael na nangatog ng husto sa sobrang lamig sa South Korea.

(RUEL J. MENDOZA)

Theater actress din ang figure skater: MISHA, hindi nakasama sa seryeng ‘Hearts On Ice’ dahil nagpi-prepare sa competition

Posted on: March 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG mahusay na figure skater, maraming awards na ang nakamit ni Misha Fabian mula sa mga sinalihan niyang sari-saring skating competitions sa iba-ibang bansa.

 

Lahad ni Misha, “I’ve joined many competitions over the years, and each one has taught me valuable lessons.”

 

 

Ilan sa mga maituturing ni Misha na highlight ng kanyang karera bilang figure skater ay ang pagiging miyembro ng Philippine National Team (2015-2017) at pagsali sa 2012 Philippine Figure Skating Championships Basic Novice B kung saan pumuwesto siyang 3rd placer; sa 2013/2014 Asian Junior Figure Skating Challenge (Hong Kong) Basic Novice B (2nd place); 2014 Korean Dream Program Closing Games Girls Intermediate (2nd place); bilang official Philippine delegate sa 2014 Korean Dream Program (2-week winter sports training camp and cultural exchange program in Pyeongchang, South Korea); bilang 1st placer sa 2015/2016 Asian Junior Figure Skating Challenge Basic Junior sa Hong Kong; bilang 2nd placer sa 2015/2016 Southeast Asian Trophy for Figure Skating Basic Junior Ladies at sa 2017/2018 Southeast Asian Trophy for Figure Skating Elite Junior Ladies; 2019 at bilang representative at pinakaunang Pilipinong atleta sa 2022 Winter Universiade Representative.Anong edad siya unang nagkaroon ng interes sa figure skating, bakit siya nagkaroon ng interes sa naturang sport activity?

 

 

Kuwento ni Misha, “My first time skating was when I was 6 years old. It was during a classmate’s birthday party, and it was love from the first time I stepped on the ice!

 

 

“I begged my parents for lessons, but I got sick and couldn’t skate. I was finally able to skate recreationally when I was 10, and I joined a few local competitions. I started competing internationally at 15.”

 

 

Isa ring theater actress si Misha; kabilang siya sa cast ng musical play na ‘Rent’ bilang si Ally. Paano at kailan siya nagkainteres sa theater?

 

 

“My parents introduced me to the theater. They brought me with them to New York when I was 2, and they took me to watch Beauty and The Beast on Broadway.

 

 

“It’s been an interest of mine ever since. My dad also loves to sing musical theater songs, and I grew up hearing him sing songs like “This Is The Moment”, “Seasons of Love”, and “Bui Doi”.

 

 

Napanood na ni Misha ang play na ‘Rent’. Mula sa produksyon ng 9 Works Theatrical mapapanood ang Rent (ni Jonathan Larson) simula sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza sa Makati.

 

 

Mapapanood ang ‘Rent’ simula April 20 (Saturday) hanggang May 24 (Friday).

 

 

Nakagawa na ba si Misha ng pelikula o teleserye?Nakasali ba siya sa GMA series tungkol sa figure skaters, ang ‘Hearts On Ice’ nina Ashley Ortega at Xian Lim noong 2023?

 

 

“I’ve done a few short films, and I have done modeling for print and digital ads.

 

 

“I’d love to experience doing a teleserye or a movie, though! I wasn’t able to join Hearts On Ice because I was preparing for a competition.”

 

 

Talent si Misha ng Artist Circle Talent Management ni Rams David.

 

***

 

MAGHAHATID ng tuwa, musika at saya ang dynamic duo ng comedy icons na sina Jose Manalo at Wally Bayola sa The Jose and Wally Show Canada Tour 2024. Ang unang show nila ay sa South Hall Banquet Place, Vancouver sa March 27, 2024.

 

 

Produced ng Fireball Productions–Canada (na ang CEO ay si Loren Ropan at partner Rhodora Soriano), susundan naman ito ng JoWa duo show sa Rajveer Banquet Hall in Calgary on March 30 at 7 p.m.

 

Ang last stop ng tour ay gaganapin naman sa TCU Place in Saskatoon on March 31.

 

Makakasama nina Jose at Wally sa kanilang concert tour ang bandang Pedro & The Hollowblocks.

 

Ang Jose and Wally Canada Tour ay naisakatuparan sa pamamagitan ng manager nina Jose at Wally na si Joel Roslin, ng Kreativ Events & More Phils at ng IAM Agency International.

 

 

Samantala, patuloy ring mapapanood ang comic duo nina Jose at Wally sa gag show na “Wow Mali Doble Tama” sa TV 5 na ngayon ay nasa Season 3 na.

(ROMMEL L. GONZALES)