Madalas silang nag-aabot sa mga race: BUBOY, itinuring na mahigpit na kalaban ni KOKOY sa ‘Running Man PH’
- Published on May 23, 2024
- by @peoplesbalita
BUKOD nga sa napakalamig na klima sa South Korea at unang beses na makaranas ng snow, nagkuwento si Kokoy de Santos ng karanasang hindi niya malilimutan habang nagsu-shoot sila para sa Season 2 ng Running Man Philippines.
Dito namin napag-alaman na matatakutin pala si Kokoy.
Sa trailer ng Running Man Philippines Season 2 ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael Daez at ang pinakabagong runner na si Miguel Tanfelix.
Pagpapatuloy pa ni Kokoy, “Isa po iyan sa mga kinatatakutan ko. Actually dalawa yan, rides tsaka horror. Yung rides nilagay nila ng Season 1 yung horror nilagay ng Season 2.
“So talagang parang ayaw nila akong mabuhay e,” at muling natawa si Kokoy.
“Pero iyon, sobrang ano naman yun, sabi ko nga kundi dahil sa Running Man hindi ko din mae-experience yung ganung klaseng production number, talagang iba yung production design na… nilalagay ko sa kukote ko, paulit-ulit nung nag-i-start yung race na yun, set-up lang ‘to, trabaho lang ‘to… pero hindi parang ayoko rin talagang ituloy, e!
“Pero iyon lang talaga, sabi nga ni Boss G [Glaiza], sabi dun sa kanta namin [Running Man theme song], ‘Go lang nang go!’
Dumating din si Kokoy sa punto na naisipan na niyang mag-quit sa race dahil sa horror rides.
“Pero hindi naman po para bumalik ng Pinas. “Para lang mag-backout dun sa race. E kaso parang bungad pa lang po yun, pang-ilang race pa lang po namin iyon.
“Kinausap lang din talaga ako nung interpreter namin na parang hindi puwedeng mag-backout. Parang pinaka sabi ko lang talaga baka puwedeng may kasama ako, at least kasama lang.
“Hindi talaga puwede.
“Iyon lang naman po. Mababaw lang naman para sa kanila pero sa akin hindi. Chariz,” at muling natawa si Kokoy.
Tinanong naman namin si Kokoy kung sino ang itinuring niya among the six other runners na pinakamahigpit niyang kalaban.
“Si Buboy na lang kasi parang nag-a-assume si Buboy, e. Chariz! Hindi, si Buboy, isa si Buboy din talaga.
“Kasi madalas kaming mag-abot talaga, e. Hindi rin namin alam kung bakit. Bukod sa amin ni Angel, si Angel kasi pag nagtatapat kami parang ang hirap hindian, alam mo yun, may ganun.” ang tila kinikilig na sambit ni Kokoy.
Pagpapatuloy pa ni Kokoy…
“Kami ni Buboy talaga pag nag-aabot kami, parang, ‘Ano ba yan?’
“Parang gusto namin lagi parang chill lang kami pero pag kami ang nag-aabot parang, ‘Hindi e, minsan lang ‘to mangyari, ibigay na natin ‘to!’
“Pero kalmado, pero ibigay natin kung ano yung deserve ng mga manonood,” pahayag pa ni Kokoy.
Napapanood na ito tuwing Sabado at Linggo sa GMA-7.
-
Human rights violations sa Pinas, bumaba sa kalahati noong nakaraang taon -PBBM
BUMABA sa kalahati ang insidente ng paglabag sa karapatang-pantao sa Pilipinas noong nakaraang taon, kumpara sa taong 2022. Hindi naman nagbigay pa ng detalye si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ukol sa bagay na ito sa kanyang naging talumpati sa isinagawang oath-taking ceremony ng star-rank officials ng Philippine National Police sa Palasyo ng […]
-
State of calamity sa buong bansa, idineklara ni Duterte dahil sa ASF
Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga. “Ang […]
-
Dating pedicab driver sikat at malayo na ang narating
Sobrang layo na ang narating ni Arwind Santos ng San Miguel Beer na dati lamang na pedicab driver sa Angeles City, Pampanga pero ngayon ay isa na ito sa natatanging bahagi ng 40 greatest player ng PBA. Para lamang magkaroon ng kakainin ang pamilya nila noon, kailangan kumayod nito sa pamamagitan ng pagpadyak ng […]