• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mae-enjoy ng mga bata ang pagiging kontrabida: MAX, hindi nahirapang api-apihin si MARIAN dahil may permission

TINANONG namin si Max Collins kung hanggang saan niya mamalditahan at aapihin si Marian Riveta, at kung paano maging kontrabida sa Box Office at Kapuso Primetime Queen. 
Gaganap kasi si Max bilang Venus, ang magiging kontrabida sa buhay ni Katherine na gagampanan naman ni Marian sa ‘My Guardian Alien’ na bagong fantaserye ng GMA.
“Gusto niyo ba ng sample, try natin,” umpisang bulalas ni Max.
“Joke lang, masyadong maaga hindi pa tayo umeere,” pagpapatuloy pa ni Max.
“Anyway paano ba? So kasi family drama ‘to, it’s not as mabigat as I’m used to, it’s nice kasi kahit na kontrabida yung role ko dito parang there’s a lightness, I think.
“Or humor to my character in a sense where sa sobrang arte ni Venus I feel like magugustuhan siya ng mga tao kasi mae-entertain sila.
“Mae-entertain kayo sa performance ko,” at tumawa si Max.
“Because it’s something… kakaibang Max Collins ang mapapanood niyo po dito.”
Marami raw siyang mahahabang quotable quotes bilang si Venus sa ‘My Guardian Alien’.
Nagpasalamat si Max sa mga bumubuo ng ‘My Guardian Alien’, partikular sa kanilang direktor na si Zig Dulay at mga writers ng serye.
Lahad ni Max, “It’s been such a joy playing Venus kasi funny talaga. I mean nae-enjoy ko being a kontrabida for the first time, in a light sense.
“Yung pang-aapi ko kay Marian, yung pang-aapi ko sa kanya ay ano. Parang forgiving, parang forgiving for me kasi ano naman e, as you saw sa AVPparang malalim yung galit ni Venus kay Katherine at kay Tita Nova, may malalim siyang pinaghuhugutan but if you actually watched our scenes parang may pagka-funny rin yung mga away namin.
“So iyon yung mae-enjoy rin ng mga bata to watch, it’s something that is for the whole family at hindi talaga nila gagayahin, hindi nila gagayahin,” ang natatawang sinabi pa ni Max.
Mahirap bang apihin si Marian?
“No,” ang mabilis na reaksyon ni Max.
“Hindi po ako nahirapan kasi professional po ako and I love my job as an actress, it’s my job, and it’s been fun kasi nag-uusap kami beforehand e, before the scene.
“Talagang like, ‘Okay ba, na sampalin kita?’
“Ganun, ‘Okay ba na saktan kita?’
“Okay naman siya, so kaya naman sa kanya, okay di ba, may permission. Basta may permission okay,” ang bulalas pa ni Max.
Marami raw silang eksenang sampalan ni Marian sa ‘My Guardian Alien.’
Leading man ni Marian sa My Guardian Alien si Gabby Concepcion bilang si Carlos at kasama sina Raphael Landicho as Doy, Gabby Eigenmann as Dr. Ceph, Kiray Celis as Marites, Josh Ford as Aries, Caitlyn Stave as Halley, at si Christian Antolin as Sputnik.
Napapanood ang weeknights @ 8:50 pm sa GMA Prime.
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • Philippines taekwondo jins ready nang sumalang sa Olympic qualifying

    Handang-handa na ang apat na national taekwondo jins na lumaban sa qualifying tournament sa hangaring makakuha ng Olympic Games slot sa Tokyo, Japan sa Hulyo.     Tatarget ng Olympic berth sina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora, 2019 Southeast Asian Games medalists Pauline Lopez, Kurt Barbosa at Arven Alcantara sa Asian Olympic […]

  • Pinas inaasahan na ang 194k doses ng Moderna ngayong Marso

    INAASAHAN ng Pilipinas na matatanggap na nito ang 194,000 doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines sa buwan ng Mayo.     “It is expected to arrive, 194,000, most likely this coming May,” ayon kay , vaccine czar Carlito Galvez Jr.     Bahala na aniya ang National Immunization Technical Advisory Group kung anong priority group ang […]

  • Pumanaw na after makipaglaban sa sakit… Iconic na boses ni MIKE, mami-miss at ‘di na maririnig

    PUMANAW na ang veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez noong nakaraang August 29 sa edad na 71.   Nakilala si Mike dahil sa pagiging lead anchor ng mga news and public affairs program ng GMA-7 na Saksi, 24 Oras, Super Radyo DZBB at Imbestigador.   Higit na 50 years na sa news broadcasting career ni […]