• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-asawa, 3 pa binitbit sa P272K shabu sa Valenzuela

TINATAYANG abot P272,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang drug suspects, kabilang ang isang mag-asawa matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Salvadro Destura Jr, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Karen Avenue, Brgy. Gen T De Leon, harap ng Thoa Basketball Court.

 

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba si Richard Alejandrino, 49, at kanyang asawa na si Jeanette Alejandrino, 48, kapwa ng Maysan Road, matapos bintahan ng P45,000 halaga ng droga si PSSg Gabby Migano na nagsilbi bilang poseur buyer.

 

 

Ani PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa mga suspek ang himigi’t kumulang 35 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) Php238,000.00, buy bust money, cellphone at P300 recovered money.

 

 

Nauna rito, dakong ala-1:45 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa No. 4158 S. Bautista St., Brgy. Mapulang Lupa sina Marianne Salas alyas “Mado”, 37, Randy Delos Santos, 40, at Jeffer Hardy Garcia, 47.

 

 

Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may corresponding SDP P34,000.00, P500 buy bust money, coin purse, P500 recovered money at cellphone.

 

 

Pinuri ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Ukrainian peace negotiators at Russian billionaire nakaranas ng mga sintomas ng pagkalason

    PINAGHIHINALAANG dumanas ng mga sintomas ng pagkalason ang Ukrainian peace negotiators at bilyonaryong si Roman Abramovich pagkatapos ng isang pulong sa Kyiv.     Si Abramovich, na tumanggap ng kahilingan ng Ukrainian na tumulong sa pakikipag-ayos sa pagwawakas sa pananalakay ng Russia sa Ukraine, at ang dalawang senior na miyembro ng koponan ng Ukrainian ay […]

  • Kelot kalaboso sa pambabastos at tangkang panunuhol sa pulis at biktima

    ISINELDA ang isang kelot matapos tangkain suhulan ang mga pulis at biktima nang maaresto sa entrapment operation dahil sa pambabastos sa 19-anyos na senior high school student sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 11312 of the Safe Spaces Act at attempted corruption of public official ang […]

  • Binyag sa Gilas ni Sotto apektado ng G League

    MAARING hindi matuloy ang ‘binyag’ ni Kai Zachary Sotto sa Gilas Pilipinas sa darating na Pebrero 18-22 sa pagsabak sa International Basketball Federation (FIBA) 2021 Asia Cup final window bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.   Tama rito ang opening ng 20th National Basketball Association (NBA) G League 2021. Simula ng training camp ng liga sa […]