• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binyag sa Gilas ni Sotto apektado ng G League

MAARING hindi matuloy ang ‘binyag’ ni Kai Zachary Sotto sa Gilas Pilipinas sa darating na Pebrero 18-22 sa pagsabak sa International Basketball Federation (FIBA) 2021 Asia Cup final window bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.

 

Tama rito ang opening ng 20th National Basketball Association (NBA) G League 2021. Simula ng training camp ng liga sa Enero 29 sa Atlanta, ang regular season sa Peb. 8 at ang playoffs naman ay sa Marso 8, ayon sa report ng ilang pahayagan sa Estados Unidos nitong Martes.

 

Binanggit Huwebes ng nakalipas na Linggo ng 18-taong-gulang may taas na 7-2 at tubong Las Piñas ang intensyong niyang makalaro sa unang pagkakataon sa Gilas makaraan ang ilang ulit na paggiya sa Batang Gilas.

 

Parte si Sotto ng Ignite team na kalahok sa G League.

 

Katapat ng 3-0 Pinoy quintet ang  arch-nemesis 2-0 South Korea sa Peb. 18 at 22, at 1-2 Indonesia  (1-2) Peb. 20 sa Asian Cup. (REC)

Other News
  • PSC, Bangsamoro Sports PARES

    NAKIPAGPULONG ang delegasyon ng Bangsamoro Sports Commission (BSC) sa Philippine Sports Commission (PSC) Board nitong Lunes, Pebrero 27, para sa grassroots program ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).   Pinamunuan ni Chairperson Arsalan Dimaoden ang BSC na nagharap ng 12-point agenda sa PSC na kinabibilangan ng mahigpit na kooperasyon sa pagpapaunlad ng mga […]

  • Marcos Jr, walang personal na perang ginastos para sa kanyang kampanya- Atty. Dabatos

    HINDI gumastos ng kahit na isang sentimo na personal na pera si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong panahon ng kampanya nito.     Nagsumite na kasi ang kampo ni Marcos Jr. ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec), araw ng Martes, Hunyo 7, isang araw bago ang deadline […]

  • Pagbaril ng senglot na parak sa leeg ng 52-anyos na ale ‘hindi isolated case’ — DILG

    Maaaring mas madalas pa kaysa sa gustong aminin ng gobyerno ang mga nangyayaring karumal-dumal na pagpatay ng mga kawani ng Philippine National Police sa mga sibilyan, pag-amin ng Department of the Interior and Local Government.     Martes lang nang arestuhin si Police M/Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video nang patayin ang nakaalitang 52-anyos na si […]