• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAG-ASAWA na BACKRIDING sa PRIVATELY USED MOTORCYCLE, PINAYAGAN NA

Pero mga safety experts hindi pabor sa paglagay ng metal barrier sa pagitan ng rider at angkas na pasahero.

 

Magandang balita na sana para sa mga may family-use motorcycles dahil sa wakas ay pinayagan na ang angkasan ng mag-asawa – kung kasal o hindi ay dapat bang linawin sa guidelines. Pero may dagdag gastos pa dito dahil kailangan daw ng metal barrier sa gitna ng driver at sakay nya, na pinaniniwalaan naman ng mga eksperto na mapanganib. Solusyon daw ang harang sa gitna sa social o physical distancing. Pero ang tanong nga ay kung safe ba.  Ang design ng motor ay pinag-aralan ng mga dalubhasang inhinyero at hindi mga politiko tulad ng nagbigay ng suhestiyon na ganito.  Sa palagay ng ilan, makakaapekto sa balanse ng rider at pasahero dahil parang nilagyan mo ng sariling manibela ang angkas na pasahero. Kailangan kasi sa pagmomotor, para mapanatili ng driver ang balanse ay nadadala nya ang bigat ng pasahero. Pag may aksidente ay maaring magdulot ng mas malalang sakuna ang metal barrier lalo na kapag natanggal ito at tumusok sa tao.  Magastos na, mapanganib pa. Hindi rin kaya ma-monitor ng IATF kung gaano katibay ang installation ng mga metal barrier at maari pang makaapekto sa pag-claim ng insurance kapag may nangyaring aksidente. May mga ibang eksperto na sinasabing sapat na ang naka helmet ang rider at ang angkas nito at additional shield back pack tulad sa gamit sa Indonesia. Maging ang mga motorcycle manufacturers ay duda sa safety ng metal barriers na iminumungkahi.  Nauunawaan naman natin na humahanap ang IATF ng mabisang paraan para mapanatili ang social distancing at iwasan ang hawaan. Pero kung ang papayagan lang na magka-angkas ay ang mag-asawa para saan pa ang metal barrier kung sa bahay naman ay magkasiping sila. Sana ay makita ng mga taga IATF ang katuturan ng mga opinyon dito bago ipatupad ang polisiya ng metal barrier. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • TIANGCO BROTHERS NAKATANGGAP NG OUTSTANDING PUBLIC SERVANTS AWARD MULA SA RPMD

    TUMANGGAP ng recognition sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).     Nabanggit ng RPMD na ang parangal ay magsisilbi bilang isang “direct reflection of the unwavering support and resounding endorsement from the constituents of Navotas City, who have voiced their […]

  • Pinoy karateka Delos Santos humakot na ng 50 golds mula sa iba’t ibang kompetisyon

    Mayroon ng 50 gold medals mula sa iba’t ibang kompetisyon si Philippine karateka James delos Santos.     Pinakahuling panalo nito ay sa Katana International League #3.     Tinalo nito ang mga pambato ng Switzerland, France, Norway at US.     Noong Oktubre 2020 ay nakamit na nito ang number 1 status matapos na […]

  • Pinusuan at magaganda ang comments sa pinost ni Darla: Kalagayan ni KRIS, unti-unti nang bumubuti kaya patuloy na pinagdarasal

    PINUSUAN at napuno nang magagandang reaksyon mula sa mga netizens ang Instagram post ni Darla Sauler last week, kasama si Queen of All Media Kris Aquino at Bimby Yap.     Kuha raw ito sa tinutuluyan ni Kris sa Amerika kasama sina Bimby at Joshua.     Caption ni Darla, “You always make time for […]