• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TIANGCO BROTHERS NAKATANGGAP NG OUTSTANDING PUBLIC SERVANTS AWARD MULA SA RPMD

TUMANGGAP ng recognition sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).

 

 

Nabanggit ng RPMD na ang parangal ay magsisilbi bilang isang “direct reflection of the unwavering support and resounding endorsement from the constituents of Navotas City, who have voiced their approval and satisfaction with the Tiangco brothers’ service and dedication to their community.”

 

 

Ang Tiangco brothers ay parehong nangunguna sa mga independent survey ng RPMD na regular na isinasagawa upang pasiglahin ang pananagutan, transparency, at epektibong pamamahala sa bansa.

 

 

Kinilala naman ni Mayor Tiangco ang kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko.

 

 

“This award inspires us to continue to devote effective, transparent, and accountable service that our constituents deserve. We need to constantly improve ourselves so we could also elevate the quality of our service to our fellow Navoteños,” pahayag niya.

 

 

Samantala, pinasalamatan ni naman ni Cong. Tiangco ang mga Navoteño sa kanilang matatag na pagtitiwala at suporta.

 

 

“Tagumpay po nating lahat ang mga parangal na ito. Rest assured that we will continue to push for projects, programs, and bills that promote your best interests and well-being,” sabi niya.

 

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni RPMD Executive Director Dr. Paul Martinez na ang pagtutulungan ng mga Tiangcos ay may mahalagang papel sa “transformation of the city into a model of urban development characterized by inclusive growth, enhanced public services, and a heightened sense of community welfare,” paglikha ng isang legacy of public service na tatatak sa darating na mga taon. (Richard Mesa)

Other News
  • Sanhi ng gas explosion sa construction site sa Taguig iniimbestigahan pa – BFP

    Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng gas leak o gas explosion sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa may bahagi ng 21st Drive sa BGC, Taguig kagabi.   Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng […]

  • Matapos dumating ang halos 1-M doses pa na Pfizer sa PH

    Nakatanggap muli ang bansa ng nasa halos isang milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa kompanyang Pfizer.     Pasado alas-8:00 kagabi ng dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 976,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.     Aabot na sa mahigit 100-million na COVID-19 vaccine ang kabuuang natanggap na ng gobyerno.   […]

  • Binatilyo, obrero tiklo sa bato at damo sa Valenzuela

    DALAWA, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos mabisto ang dala nilang iligal na droga makaraang masita sa pagdadala ng patalim at paglabag sa curfew sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagpapatrolya ang […]