• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-iina arestado sa P4-milyong shabu

ISANG 65-anyos na lola at kanyang anak na lalaki ang arestado matapos makumpiskahan ng nasa P4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Taya Sulong, 65, at Abdul Sulong, 33, kapwa ng Block 1, Lot 9, Villa Enrico Heights, Brgy. 171.

 

Sa ulat ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-8:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Deo Cabildo at P/Capt. Dennis Udtuhan ng SS7 ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kanilang bahay.

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ng P70,000 halaga ng shabu.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium knot-tied plastic bag ng shabu ay agad ianresto ng mga operatiba ang mag-ina.

 

Nakumpiska sa mag-ina ang nasa 600 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P4,080,000.00, digital weighing scale, at isang P1,000 bill na nakabugkos sa 69 pcs P1,000 fake/boodles bills na ginamit bilang buy-bust money.

 

Kaugnay nito, pinuri ni Gen. Ylagan ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU dahil sa kanilang matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na malaki aniya itong kabawasan para hindi kumalat ang illegal na droga sa lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • Thank you for the opportunity to save lives-VP-elect Sara Duterte

    INIALAY ni Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang tagumpay sa katatapos lamang na Eleksyon 2022 sa mga biktima ng “terrorism, abuse, criminality, and bullying.”     “The opportunity to serve as vice president, I dedicate to Kean Gabriel, to Larry, to Jaren and Frederick and all those who passed because of terrorism, abuse, criminality, and […]

  • Sa gitna ng babala ng China: PBBM, pinanindigan ang mga bagong EDCA sites

    PINANINDIGAN at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.     Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang payagan ang mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced […]

  • Online na muna ang 2021 PSA Annual Awards Night

    SA unang pagkakataon sa kasaysayan, isasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa pamamagitan ng virtual sanhi ng kasalukuyang COVID-19.     Nakatakda ang aktibidad sa Marso 27, na may limitadong bilang lang ng mga panauhin na papayagan sa studio ng TV5Media Center sa Mandaluyong, habang ang natitirang mga awardee […]