‘Mag-ipon sa bangko, sa halip na sa alkansya’ – BSP
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isaayos ang pag-iipon ngayong panahon ng pandemya.
Lumalabas kasi na marami ang nag-iipon ngunit nakalagay lamang ito sa mga piggy bank, jar o anumang container sa mga bahay.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliban sa hindi ito nakakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya, nagiging problema pa ng gobyerno kung magiging kalakaran na sa marami.
Nagiging limitado kasi ang umiikot na pera sa merkado dahil sa artificial shortage ng coins at bills.
“The unnecessary accumulation of banknotes and coins prevents Philippine currency from being recirculated and used as payment instrument,” wika ni Diokno.
Sa ganitong punto, napipilitan umano ang BSP na gumastos para sa paglalabas ng bagong mga pera na iikot sa merkado.
Para sa BSP head, mas may pakinabang sa estado at sa mismong nag-iipon kung ilalagak ito sa bangko.
Maliban sa iikot ang pera na mahalaga sa ekonomiya, nababantayan din umano ito sa pamamagitan ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) at nagkakaroon pa ng interest ang inilalagak na salapi.
-
Puri ng 6-anyos ‘binaboy’, 15-anyos na kapitbahay tiklo
HAWAK agad kahapon (Huwebes) ng mga awtoridad ang 15-anyos na binatilyong inireklamo para sa umano’y paghalay sa 6-anyos na kapitbahay sa Pasay City. Dinampot ng mga security guard ang binatilyo sa tinitirhan nitong condominium matapos ireklamo ng ina ng biktima Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng Southern Police District. Bago ito’y natagpuan […]
-
ROSANNA, mapalad na makakasama rin si SHARON sa bukod kay NORA; Megastar tuwang-tuwa at excited
“OH my God!! Kaya pala andami nag follow sa akin. “thank you @reallysharoncuneta for the kind words. Malaking karangalan ang maka trabaho at maka daupang palad ka. Di ko malilimutan ang mga kabaitan mo sa kin mula noon. Hayaan mong bumawi ako,” ito ang naging reaction ni Rosanna Roces sa pinost ni Megastar […]
-
Pansamantalang rice tariff cut na 0-10%, no toll hikes para sa agri-trucks, ipinanukala ng DoF
NAGPANUKALA ang Department of Finance (DOF) ng ilang hakbang sa gitna ng pagpapatatag sa presyo ng bigas. Isa itong sitwasyon para mapilitan ang pamahalaan na magpatupad ng “unprecedented price control” sa nasabing produkto. Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, kailangan na i-adopt ng gobyerno ang isang comprehensive approach para makatulong na […]