Mag-utol na HVI, 1 pa isinelda sa P500K shabu sa Caloocan
- Published on April 22, 2023
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu sa tatlong tulak ng illegal na droga, kabilang ang magkapatid na listed bilang high value individual (HVI) na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operations sa Caloocan City.
Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Maj. Dennis Odtuhan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ala-1:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ang buy bust operation sa NHC-LD Road, Brgy. 186.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang magkapatid na Ronald Alinapon alyas “Dudong”, 45, at Rey Manuel Alinapon alyas “Tata”, 40, kapwa ng Domato Avenue, Cor. King David St., Phase 12, Brgy. 188, matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na may satandard drug price value na P408,000.00 at buy bust money na isang tunay na P500 at P7-pirasong P1,000 boodle money.
Nauna rito, natimbog din ng mga operatiba ng DDEU sa buy bust operation sa 105 BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy. 118, dakong ala-1:30 ng hapon ang 18-anyos na si John Michael Paguia alyas “Nognog”.
Nakumpiska sa kanya ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P102,000.00 at buy bust money na kinabibilangan ng isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money.
Pinuri naman ni BGen Peñones ang DDEU sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong notoryus umanong drug pushers na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ilang motorista, maagang nagpagasolina bago pumatak ang panibago na namang big-time oil price hike
ILANG oras pa bago pumatak ang panibagong oil price hike na ipapatupad ngayong linggo ay maaga nang pumila ang ilan sa ating mga kababayang tsuper ng mga pribado at pampublikong transportasyon. Batay kasi sa inilabas na abiso ng mga oil companies, papalo sa Php2.15 ang itataas ng presyo sa kada litro ng gasolina, […]
-
Nograles vs. Duterte sa Davao City
MAGLALABAN bilang representante para sa unang distrito ng Davao City sina Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles at incumbent Davao City Rep. Paolo Duterte. Opisyal na naghain (Martes) ng umaga ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Nograles sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa may Magsaysay Park […]
-
Pinas, tinuligsa ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng NoKor
TINULIGSA ng gobyerno ng Pilipinas ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea. Sa katunayan, inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing pagkilos bilang “a provocation that undermines regional peace and stability.” Dahil dito, nanawagan ang DFA sa North Korea na “immediately cease” ang ganitong mga aktibidad at mangyaring sumunod sa […]