Magaan na virus restrictions, inirekomenda ng MM mayors
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
INIREKOMENDA ng mga Metro Manila mayors ang pagpapagaan ng virus restrictions sa capital region.
Ang rekumendasyon ng mga MM mayors ay isang araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine.
Nagkaisa ang mga local chief executives sa MM capital na manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim na sa strict general community quarantine ang nasabing lugar bukas, Agosto 18.
“I can confirm na ang rekomendasyon ng mga mayor ay GCQ, pero yung GCQ po noong buwan pa ng Hunyo na mas mahigpit kaysa sa eventual GCQ na pinapatupad na,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“Unanimous naman po ang recommendation ng IATF (Inter-Agency Task Force) at ng mga Metro Manila mayors kay Presidente,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal ay isinailalim sa MECQ category noong Agosto 4 bilang tugon sa panawagan ng mga health workers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “timeout” sa gitna ng ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases.
Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na “highly unlikely” para sa pamahalaan na panatilihin ang Metro Manila at mga neighboring economic hubs sa ilalim ng MECQ dahil sa pagkaubos ng resources na pangtugon sa coronavirus pandemic.
Samantala,nakatakda namang pulungin ni Pangulong Duterte ‘virtually’ ang mga miyembro ng pandemic task force ng pamahalaan, mamyang gabi.
Inaasahan naman na ia-anunsyo ni Pangulong Duterte ang community quarantine classifications ng capital region at maging sa karatig-lalawigan.(Daris Jose)
-
DBM, naglaan ng P15.2B budget para sa DMW para sa taong 2023
NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P15.2 bilyong piso sa bagong itinatag na Department of Migrant Workers (DMW) sa ilalim ng panukalang P5.268-trillion 2023 national budget. Sa kalatas na ipinalabas ng DBM, sinabi nito na sa kabuuang halaga, P3.5 bilyong piso ang inilaan sa Office of the Secretary ng DMW. […]
-
Santo Papa, tinanggap ang mga credentials ng bagong Philippine envoy to The Holy See
PORMAL nang umupo bilang bagong Philippine ambassador to The Holy See si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Myla Grace Ragenia Macahilig. Pinalitan ni Macahilig si Grace Relucio-Princesa, na nagsilbi bilang Manila’s ambassador to The Holy See mula September 2018 hanggang unang bahagi ng taon. Sa social media accounts ng Vatican […]
-
DBM, aprubado ang pagbili ng DOH ng 173 medical vehicles
PINAGKALOOBAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang Department of Health (DOH) ng P454 milyon para sa pagbili ng 173 medical vehicles. Sa katunayan, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman noong Oktubre 17 ang pagpapalabas ng Authority to Purchase Motor Vehicle (APMV) para sa DOH. Sinabi ng DBM na pinahihintulutan ng APMV […]