Magandang itinatakbo ng vaccination rollout ng bansa, pinuri ni PDu30
- Published on April 21, 2021
- by @peoplesbalita
Patunay kasi ito na ginagawa PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte Jr. magandang itinatakbo ng vaccination rollout sa bansa.
ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tiyakin na mas maraming Filipino ang protektado laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay sinabi ng Pangulo na labis siyang nasisiyahan sa mga ulat na nagpapakita na mahigit na sa 1.4 million vaccine doses ang naiturok sa mga Filipino magmula nang sumipa ang vaccination drive noong Marso 1, 2021.
Ang mga Filipino ay naturukan ng Sinovac Biotech Ltd. o British-Swede firm AstraZeneca.
Sa ulat, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na ang PIlipinas ay nasa pangatlong ranggo sa Southeast Asia pagdating sa Covid-19 vaccination matapos ang Indonesia at Singapore.
Nasa 41 naman ang ranggo ng Pilipinas mula sa 173 bansa na nagsimula nang pagbabakuna at 14 naman ang ranggo mula sa 47 bansa sa Asya.
“Maganda ang record natin despite unfounded criticisms. The Philippines was able to get the upper berth, I said of the countries that are inoculated. Maganda and record niyan to think people were almost in a quandary where to get the next vaccination,” ayon sa Chief Executive.
Batid naman ng Pangulo na ang itinatakbo ng vaccination rollout sa bansa ay hindi kasi bilis ng inaasahan ng lahat.
Subalit, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na mahigit na sa 1 milyong katao ang nabakunahan.
“Nakita mo naman hindi pala tayo yung pinaka mahina. Mataas nga yung atin,” aniya pa rin.
Sa kabila aniya ng pagkaantala ng pagdating ng Covid-19 vaccine doses, masasabing ang performance ni Galvez ay “more than acceptable”.
“It speaks well of the efforts of your office to at least come to a more than an acceptable performance in the matter of the fight against Covid,” diing pahayag ng Pangulo.
Samantala, tiniyak naman ni Galvez, na mahigit sa 2 million Covid-19 vaccine doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan ngAbril, 4 million doses naman sa buwan ng Mayo at 7 hanggang 8 million doses naman sa Hunyo.
Layon ng Pilipinas na makapag-secure ng 148 million doses ng Covid-19 vaccines mula sa ilang kompanya para ibakuna sa 50 hanggang 70 milyong Filipino ngayong taon. (Daris Jose)
-
‘Clifford the Big Red Dog’, Will Teach The World How To Love Big, First Trailer Reveals
PARAMOUNT Pictures has released the first trailer for Clifford the Big Red Dog, which brings the classic book character to life on the big screen for the first time. Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=4zH5iYM4wJo Clifford the Big Red Dog is based on the Scholastic book series of the same name by Norman Bridwell. […]
-
PDP-Laban Cusi Wing, tuluyan nang nilaglag si Pacquiao para makasama sa senatorial slate na sasabak sa Eleksyon 2022
TULUYAN nang nilaglag ng PDP-Laban wing sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao para maikunsidera ito sa Senate slate para sa 2022 elections. Nauna nang sinabi ng Cusi group na inalok nila si Pacquiao na makasama sa kanilang Senate slate matapos na mapatalsik ito bilang party president at sumunod naman […]
-
Kopya ng disbarment hindi pa natatanggap ng IBP
WALA pang natatanggap na kopya ang Integrated Bar of the Philippines sa disbarment case na isinampa ni Atty. Melvin Matibag laban kay dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque. Ayon kay Atty. Antonio Pido, National President ng IBP, ang disbarment case laban kay Atty.Roque ay sa media organizations lamang niya narinig . Karinawan umanong binibigyan ng […]