• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magat dam, handang harapin ang mga posibleng kasong isasampa sa kanila ng mga LGU

NAKAHANDA ang pamunuan ng National Irrigation Administration na may superbisyon sa Magat dam na haharapin nila ang anumang reklamong ihahain laban sa kanila hinggil sa  pagpapakawala ng tubig sa nasabing dam na sinasabing dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan.

 

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NIA Administrator RGen. Ricardo Visaya na magandang oportunidad ito upang mareview ang protocol sa pagpapakawala ng tubig sa dam.

 

Subalit, iginiit ni Visaya na tumalima sila sa pinaiiral na protocol na noon pang 2006 nabuo.

 

Aniya pa, ipi-presenta ng reservoir dam division ng Magat ang mga dokumento na kanilang isinagawa noong kasagsagan nang pananalasa ng bagyong Ulysses.

 

Sa kasalukuyan ay nasa 191.93meters ang antas ng tubig sa Magat dam na mababa sa 193 meters na spilling level nito.

 

Isang gate pa ng dam ang nakabukas sa ngayon na nagpapakawala ng 646 cubic meter per second na tubig.

 

Samantala, iginagalang naman ni Administrator Visaya ang panawagan na magbitiw na siya sa puwesto.

 

Para sa kanya, karapatan nila ito at opinyon nila ito. (Daris Jose)

Other News
  • PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics

    Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.     Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians.     “The PSC Board agreed to give the […]

  • LTFRB, LTO gagamit ng online, cashless transactions sa panahon ng “new normal”

    Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ay nagsusulong ng technological innovations na makakatulong upang magkaroon ng limitadong human intervention at physical contact sa mga transactions sa loob ng mga nasabing ahensya ng pamahalaan.   Simula sa Martes, ang LTFRB ay […]

  • PNP chief iniutos pagpalawig sa frontline services; open na rin sa weekends, holidays

    Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen Debold Sinas ang Civil Security Group na palawigin ang kanilang frontline services sa national headquarters.   Layon nito para makapag-accommodate ng mas maraming kliyente.   Ayon kay Civil Security Group director Brig. Gen. Rolando Hinanay, sakop ng frontline services ang License to Exercise Security Profession (LESP) para […]