• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libu-libong pamilya mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, inilikas dahil sa pananalasa ni bagyong Pepito

TINATAYANG nasa 5,000 pamilya ang inilikas sa ilang bahagi ng bansa dahil sa sama ng panahon na nararanasan dulot ng bagyong Pepito.

 

Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni NDRRMC Asec Casiano Monilla na malaking bahagi ng mga inilikas ay mula sa Region 4a partikular sa Quezon province kung saan nasa 4,790 pamilya ang apektado mula sa 64 na mga brgy.

 

Nananatili din sa iba’t ibang evacuation centers ang nasa 184 na pamilya o 645 na katao mula sa Region 2.

 

Ayon pa kay Asec Monilla may ilang kalsada at tulay ang nananatiling unpassable hanggang sa mga oras na ito dahil sa taas ng baha tulad ng Cabagan, Sta. Maria road.

 

Nagkaroon din aniya ng paglikas sa Pampanga habang sa Cagayan ay inilikas ang 171 pamilya, 168 na pamilya din ang inevacuate sa Isabela at 3 pamilya sa Quirino.

 

Aniya, sinusunod ang health safety protocols sa mga evacuation center upang matiyak na hindi kakalat ang covid 19.

 

Samantala, wala naman aniyang casualties ang bagyong Pepito pero, pinayuhan nito ang publiko na mag ingat parin dahil sa pagtaya ng Pagasa ay nasa 5 hanggang 8 bagyo pa ang papasok sa bansa bago matapos ang taon kung saan 1 o 2 dito ay sadyang mapaminsala.

Other News
  • Mga apektadong negosyo, pinagsusumite ng report ng DOLE

    Hinikayat ng Labor and Employment (DOLE) ang mga establisimyento na apektado ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic na magsumite ng report sa “DOLE Establishment Report System.”   “Be informed that effective July 08, 2020, establishments are advised to access https://reports.dole.gov.ph and submit reports online,” lahad ng DOLE CALABARZON sa Facebook post.   Kasama sa report ang […]

  • NET 25, patuloy ang paghataw ngayong 2023: Bagong ‘Oppa ng Bayan’ na si DAVID, bibida sa sitcom na ‘Good Will’

    ANO nga ba ang tunay na kahulugan ng mana?  Ito ba’y nasusukat lamang sa yaman o dami ng ari-arian? Sapat na ba ito para mabuhay nang ‘happy ever after?’ O meron bang mas makahulugang aral na hihigit pa sa makamundong pamumuhay? Meron nga bang kaligayahang hindi mabibili o matutumbasan ng salapi? Ito ang kuwento ni […]

  • Ads January 6, 2022