• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magdadala ng emosyon at excitement sa ‘Ang Himala ni Niño’: CEDRICK at ZION, hatid ang kakaiba nilang husay sa pag-arte

PATULOY na inaabangan at tinatangkilik ang bagong family drama ng TV5 na Ang Himala ni Niño.

 

Kuhang-kuha ng kwento ang puso ng mga manonood, lalo na dahil sa husay ng batang bida nito na si Zion Cruz. Inaabangan naman ang pagpasok ng award-winning actor na si Cedrick Juan sa naturang serre.

 

Siguradong magdadala ng panibagong emosyon at excitement ang tambalang ito nina Cedrick at Zion sa seryeng sinusubaybayan ng maraming manonood araw-araw.

 

Si Zion ay isang homegrown talent ng MQuest Artist Agency (MQAA) na gumaganap bilang si Niño. Sa kabila ng kanyang batang edad, mahusay siyang nakikipagsabayan sa mga magagaling na artistang kasama niya sa serye.

 

Sa pagpasok naman sa serye ng multi-awarded Best Actor na si Cedrick bilang Kuya Victor, bibigyang buhay nya ang karakter na magkakaroon ng impluwensya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Kilala sa kanyang mga critically acclaimed roles, inaasahan ang mahusay na pagganap ni Cedrick sa mga eksenang tatatak sa puso ng mga manonood.

 

Kasama rin sa Ang Himala Ni Niño ang mga batang artistang sina Ryrie Sophia bilang Kring-Kring, Kenneth Mendoza bilang Butchoy, at Achilles Ador bilang Joco. Sila ang mga bagong talents ng TV5 na nagbibigay saya at puso sa kwento.

 

Abangan sa mga darating na linggo dahil haharapin ni Niño ang mabigat na pagsubok ng pag-iwan sa kanya ng kanyang ina. Dahil dito, ang samahan nila Kring-Kring, Butchoy, at Joco ay magiging mas matibay at magdadala ng pag-asa at suporta kay Niño.

 

Ang kanilang pagkakaibigan ay maghahatid ng mas malalim pang emosyon sa kwento ng Ang Himala ni Niño. Sa gabay ng mga seasoned actors tulad nina K Brosas at Freddie Webb, mas nahuhubog pa ang mga batang ito bilang magagaling na artista ng bagong henerasyon.

 

Huwag palampasin ang pagdating ni Cedrick Juan sa Ang Himala ni Niño, mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:15 AM sa TV5. Abangan ang kahanga-hangang kwentong ito at ang mahusay na pagganap ni Zion Cruz bilang si Niño.

 

Para sa karagdagang updates, bisitahin ang www.tv5.com.ph at i-follow ang TV5 sa kanila social media pages.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • IMMIGRATION, INILAGAY SA HEIGHTENED ALERT NGAYON HOLIDAY SEASON

    INILAGAY sa heightened alert ng Bureau of Immigration ang lahat ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang ports of entry nitong holiday season.   Dahil dito, ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga immigration officers na naka-deploy sa iba’t ibang international airports at seaports na magdagdag ng karagdagang pagbabantay sa mga padating at […]

  • Ayon sa filmmaker na si Joe Russo: LIZA, scene-steller sa ‘Liza Frankenstein at future Superstar

    PINURI ng American director-producer na si Joe Russo ang Pinay aktres na si Liza Soberano matapos mapanood sa kanyang Hollywood debut film na “Liza Frankenstein”.     Sa X (dating Twitter) account ng direktor, ibinahagi nito ang kanyang opinyon tungkol sa pelikula:     “Movies like LISA FRANKENSTEIN can be great vehicles to break new […]

  • Alamin ang pananaw sa pag-ibig at buhay ni #SuperAte… Sen. IMEE, ipinagdiwang ang pinaka-makahulugang kaarawan

    IPINAGDIWANG ni Senadora Imee Marcos ang kanyang kaarawan nuong Nob. 12 sa Timog na bahagi ng bansa. Na kung saan bitbit niya ang pagkakaibigan at mabuting pakikitungo ng Norte, sa isang okasyon na puno ng pasasalamat. Sa bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel sa Nob. 18 (Biyernes), matutunghayan ng kanyang […]