• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IMMIGRATION, INILAGAY SA HEIGHTENED ALERT NGAYON HOLIDAY SEASON

INILAGAY sa heightened alert ng Bureau of Immigration ang lahat ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang ports of entry nitong holiday season.

 

Dahil dito, ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga immigration officers na naka-deploy sa iba’t ibang international airports at seaports na magdagdag ng karagdagang pagbabantay sa mga padating at palabas na mga mananakay.

 

“This is to ensure that our campaign to thwart the entry of illegal aliens and prevent the departure of trafficking victims is not compromised during this Christmas season,”  ayon kay Morente.

 

Binalaan din ni Morente ang mga sindikato ng human smuggling at human trafficking na namamantala ngayon Kapaskuhan sa kabila ng pandemiya.

 

“Do not even try because our officers at the airports will surely foil any attempts by these syndicates to ply their racket,” ayon sa  BI chief.

 

Binanggit dito ni Morente ang kaso ng ilang dayuhan na nahulia sa airport sa Manila at Cebus dahil sa mga pekeng dokumento gayundin ang isang nasabat na biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan isang pasahero ang nagtangkang lumabas ng bansa at nagpanggap na turista gamit ang mga pekeng dokumento.

 

“These tricks will not work as our immigration officers are trained in passengers assessment and detecting fraudulent travel documents,” ayon pa kay  Morente. (GENE ADSUARA )

Other News
  • ‘Top Gun: Maverick’ Continues To Dominate At The Box Office, On Track To Surpass ‘Jurassic World’

    TOP Gun: Maverick continues to dominate at the box office and is now on track to surpass the domestic total of 2015’s Jurassic World.     Coming more than 35 years after the release of the original Top Gun, the Joseph Kosinski-directed sequel sees the return of Tom Cruise’s hotshot pilot Pete “Maverick” Mitchell. The […]

  • Babaeng suspek sa Hernando robbery-slay sa Valenzuela, timbog

    Nadakip na ng mga awtoridad ang isang babae na kabilang sa mga suspek sa robbery-slay case sa company messenger na si Niño Luegi Hernando sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City noong October 9.   Pinuri ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Valenzuela Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega dahil […]

  • ‘Cinemalaya 2021’, Opens Submission for Its Short Film Category

    THE Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2021 is now open for submission of entries for its Short Film Category.      Interested filmmakers must submit their application on or before March 5, 2021 (Friday), 6:00 p.m. to the Film, Broadcast, and New Media Division (FBNMD), 4F Cultural Center of the Philippines (CCP), Roxas Blvd., Pasay City.  Only entries […]