• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magiging abala na rin sa kasal nila ni Rambo: Management ni MAJA, naglabas na ng official statement sa pag-alis sa ‘Eat Bulaga’

NAGLABAS na ng official statement ang Crown Artist Management Inc. sa pag-alis ni Maja Salvador sa longest running noontime show na ‘Eat Bulaga’.

 

Sa Facebook post…

 

“Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime show for the time being.

 

“Becoming a Dabarkads in Eat Bulaga was a dream of Maja that came true one and a half years ago, but for now, we have to give a pause.”

 

Sa pagpapatuloy ng statement, “This decision was already communicated to their management, so we’re hoping for your utmost understanding.

 

“Maja wishes Eat Bulaga, its hosts and staff, all the best!

 

“Maraming Salamat Dabarkads!”

 

Pinusuan naman ito ng mga netizens, may nag-like, may nagulat at marami rin ang nalungkot sa desisyon ng kanyang management. Dahil mami-miss nila ni Maja na makitang mag-host sa EB at baka hindi na makabalik.
Marami rin ang nag-congratulate kay Maja sa nalalapit nitong kasal kay Rambo Nunez.

 

***

 

BAGO ang matagumpay na Gabi ng Parangal ng 1st Summer Metro Manila Film Festival noong Martes, April 11 na ginanap sa New Frontier Theater, nakatsikahan namin ang Jury Chair na si Ms. Dolly de Leon.

 

Aminado ang award-winning actress na hindi naging madali ang deliveration nila na ten jurors na umabot ng six hours.

 

“Medyo mahirap,” pag-amin Ms. Dolly na soon ay mapapanood sa ‘Grand Death Lotto’ with John Cena, Awkwafina, and Simu Liu at dinirek ng three-time Oscar nominee na si Paul Feig.

 

“Meron kaming criteria na sinusundan na provided ng Summer MMFF. Pero meron din akong sariling take.”

 

Tatlo nga lang nakapasa sa taste ng board of jurors sa Best Actress at anim naman sa Best Actor, na kung saan nalaglag si Coco Martin at tinalo pa siya ng Korean actor na si Yoo Min-Gon.

 

Paliwanag ng Golden Globe nominee tungkol dito, “unfortunately, you cannot please everybody. Hindi naman sinasabi na discounted siya (Coco), it is just naging mahirap para sa aming lahat ‘yung desisyon. Believe it or not, it is not easy for us, to come out with this results.

 

“But this is all for the best. At the end of the day, this is really for the industry. If they feel bad, that’s normal and natural. And I know how that it feel, so, naiintindihan ko, kung may masama man ang loob.”

 

Dagdag pa ng international actress kung bakit ‘di napabilang si Coco sa list at tatlo sa Best Actress, “kasi ang style of voting naman, each vote got a point.

 

“So that means na, malaki ang agwat. Kung anim po ‘yun, ibig sabihin kakaunti ang agwat nila, so, we included all of them.

 

“Kaya tatlo lang, dahil malaki ang agwat ng pang-apat, kaya hindi na namin isinama.”

 

Anyway, after ng awards night, pinag-uusapan ngayon ang pagkukuwestiyon ng indie director at actor na si Emmanuel dela Cruz, na nalungkot dahil isang producer lang daw ang nag-dominate sa lahat ng nominees at awards.

 

Big winner nga ang “About Us But Not About Us” na nakakuha ng 10 awards at naka-apat na tropeo naman ang “Here Comes the Groom”, na parehong co-produce ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo.

 

Kaya naman sa Facebook account na Atty. Joji, sinagot niya ito ng, “Emmanuel Dela Cruz, May I know if this is your way of questioning the credibility of the esteemed members of the jury of the First Summer MMFF Dolly de Leon, Joey Javier Reyes, Toff de Venecia, Mario Escobar Bautista, Rolando Tolentino, Che-Che Ona, Tim Orbos, Honorable Arenas, Honorable Lim and Victor Neri?”

 

Bahagi pa ng lady producer post…

 

“Are you saying that the winners did not deserve to win???

 

“Or is it simply because, you have a beef with me?

 

“Why fault someone who risks hard earned money to produce films not knowing if the money will ever come back?

 

“Why not use your energy and talent to write and direct films instead?”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Murder suspect sa Navotas, arestado

    Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 […]

  • PNP, mas pinaigting pa ang monitoring laban sa e-sabong; 236 sites pina-take down

    MAS pinaigting pa ngayon ng Philippine National Police ang kanilang isinasagawang monitoring sa iba’t ibang online platforms at mobile application na maaarin gamitin ng mga kawatan sa ilegal na operasyon ng electronic sabong.     Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., inatasan na niya ang Anti-Cybercrime Group na i-take down ang lahat ng […]

  • Malakanyang, kinondena ang pagpatay kay Mayor Aquino

    KINONDENA ng Malakanyang ang nangyaring pagpatay kay Calbayog City, Samar province Mayor Ronald Aquino.   Ang pangamba ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay simula na ito ng political violence bunsod ng papalapit na 2022 elections.   “Kinukondena po natin iyan dahil ang karapatang mabuhay po ay ang pinakaimportanteng karapatan. Nanunumbalik po kami at naalarma na […]