• July 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magiging matinding kalaban ni ‘Black Rider’: JON, hanga kay RURU dahil parang ‘di nasasaktan

PAGKATAPOS ng kanyang pagganap bilang hired assassin sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’, binigyan ng pinakamalaking kontrabida role si Jon Lucas bilang si Calvin Magallanes sa ‘Black Rider.’

 

 

 

Si Jon ang magiging matinding kalaban ni Ruru Madrid sa action-serye ng GMA Public Affairs.

 

 

 

Ayon kay Jon, abangan daw ang mga fight scenes nila ni Ruru dahil kapwa raw nilang pinaghandaan ito physically and mentally.

 

 

 

“Sobrang matindi ang sabong ni Black Rider sa Golden Scorpion. Pinag-aralan namin ng husto yung routine para hindi kami magkasakitan ni Ruru. Pero iba si Ruru, parang hindi nasasaktan! Bakal na ang katawan!” tawa pa ni Jon.

 

 

 

Proud naman si Ruru kay Jon dahil kapatid niya ito sa INC at hindi raw biro katapat ito sa fight scenes dahil mahusay kumilos at mahusay na kontrabida.

 

 

 

***

 

 

 

MULING tumanggap ng parangal si Jessica Soho.

 

 

 

Ginawaran siya bilang Global Awardee for Journalism at the 13th The Outstanding Filipino Awards (TOFA).

 

 

 

The awarding event took place at the Zipper Concert Hall in Los Angeles, California.

 

 

 

“Maraming salamat po sa 13th Annual TOFA Awards para sa pagkilala sa ating host na si Ms. Jessica Soho bilang Global Awardee for Journalism para sa kanyang natatanging kontribusyon sa larangan ng pamamahayag,” post pa ng KMJS wrote on Facebook.

 

 

 

In 2022, KMJS became the first-ever winner of the Top Media Publisher trophy at the TikTok Awards, as Ma’am Jess recognized at the Reader’s Digest Trusted Brand Awards as one of the most trusted news personalities.

 

 

 

In the same year, the story “Ranelyn’s Dress” which aired on KMJS won the bronze medal at New York Festivals.

 

 

 

***

 

 

 

PASABOG ang Halloween costume ni Heidi Klum sa kanyang annual Halloween Party sa New York City.

 

 

 

This year, isang colorful peacock si Heidi at ang kanyang feathers at buntot ay mga performers ng Cirque de Soleil. And mister naman ni Heidi na si Tom Kaulitz ay suot ay malaking peacock egg.

 

 

 

Every year ay pabongga nang pabongga ang costumes ng 50-year old supermodel at judge ng America’s Got Talent. Kaya siya tinawag na Queen of Halloween.

 

 

 

Sinimulan niya ito noong 2000 at mga naging costumes niya ay si Jessica Rabbit, Princess Fiona, Teen Wolf, Alien, Human Body, Indian Goddess, Cloned Heidi, Cleopatra, Giant Butterfly at isang Giant Rain Worm.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Naging best friend and confidante na maaasahan: KRIS, tinapos na agad ang pakikipagrelasyon kay VG MARK

    SA Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, isiniwalat niya sa mahabang post na “hiwalay” na raw sila ng kanyang boyfriend, bestfriend, at confidante na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.       Kasama ang isang larawan nila ni VG Mark, sinimulan niya ito ng, “This is a long overdue Gratitude post. […]

  • PANUKALANG NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION NASA QUEZON CITY COUNCIL NA

    Nakasalang na sa ikalawang pagbasa ang panukalang No-Contact Traffic Apprehension sa Konseho ng Lungsod Quezon.   Kung magiging Ordinansa ito ay mapapabilang na ang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila na magpapatupad nito tulad ng sa Lungsod ng Maynila, Valenzuela at Parañaque.  Layunin nito na mas maiayos ang traffic sa lungsod at mapapanagot ang mga traffic violators. […]

  • Inaabangan kung mauuwi sa kasalan ang relasyon: KC, pinatunayan sa post na ’di pa hiwalay sa Filipino-Swiss boyfriend

    NAGING malapit kami sa ina ni Patrick at Cheska Garcia na si Mommy Bing Velasco.   Nung mga panahon nasa kainitan ng showbiz career ni Patrick at isa pa ang aktor sa miyembro ng Star Circle ng ABS-CBN.   When in fact sa ilang birthday parties namin ay laging present si Patrick kasama si Mommy […]