• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Maging bayani, magpabakuna, -magligtas ng buhay’ – Bong Go

Hinikayat ni Senator Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang bawat isa na maging isang bayani sa sariling kaparaanan sa pamamagitan ng pagpapabakuna upang hindi na kumalat ang COVID-19 at mailigtas ang buhay ng iba.

 

 

“Let us be heroes in our own way and put a stop to the spread of this virus by getting vaccinated. Hinihikayat ko ang lahat na magpabakuna lalo’t bukas na ang programa sa ge­neral population. Nasa datos naman na kung sino ang positibo at grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” ayon kay Go.

 

 

Kaya naman suportado ng senador ang pinagsanib na inisyatiba ng pamahalaan at pribadong sektor na layong pag-ibayuhin pa ang vaccination drive sa pamamagitan ng pagtuturok ng 5 million doses ng COVID-19 vaccines sa loob ng 3 araw.

 

 

Hinimok ni Go ang lahat ng sektor at eligible individuals na suportahan ang nationwide campaign na isasagawa sa November 29 hanggang December 1, para matulungan ang bansa na maabot ang target na mabakunahan ang 50% ng populasyon bago matapos ang taon.

 

 

“Ipakita natin ang malasakit sa ating mga frontliners at magpa-schedule na sa pinakamalapit ninyong vaccination site. Huwag kayong matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” apela ni Go. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mary; Luke 1:49

    He who is mighty has done great things for me.

  • Zamboanga City, kampeon sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Presidents Cup

    NAKUHA ng Zamboanga City ang kampeonato sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.   Ito ay matapos talunin nila ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa score na 22-19.   Bumida sa panalo ng Zamboanga sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol na kapwa nagtala ng tig-7 points.   Bukod sa tituloy ay nag-uwi ang koponan ng […]

  • Agent nagwala, arestado

    SA kulungan ang bagsak ng isang insurance agent matapos insultuhin at pagsabihan ng hindi magandang salita ang isang massage therapist na tumanggi sa pera na kanyang inaalok kapalit ng extra service sa loob ng isang massage clinic sa Valenzuela city.   Sa ulat, alas-12 ng hating gabi, nagtungo si Joshua Pangilinan, 21 ng Block 33 […]