Maging leksiyon sa lahat!
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
NASUGATAN sa unang linggo ng buwang ito si dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho.
Buhat ito sa pagpa-prank holdup ng 30-anyos, may taas na 5-4 at Tsinitang balibolistang tubong Maynila sa isang mall sa kapwa ABS-CBN reporter na si Jorge Cariño.
Sa social media post ng former Petron Blaze Spikers at television host, nasa likuran aniya nang biruin at magpanggap na holdaper ni Cariño sa escalator.
“Holdap ito huwag kang gagalaw. Amina ang mga gamit,” biro niya sa kasama sa trabaho.
Pero buo ang loob ni Cariño na siniko sa tiyan para mawalan ng balanse, sumubsob sa sahig na tinukod ang kamay para masugatan, dumugo ang isa kanyang daliri.
Makalipas ang ilang araw, kinumpirma ng dating manlalaro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) mula sa Ateneo de Manila University-Quezon City, na magaling na ang sugat at huwag na aniyang mag-aalala si Jorge.
At ang payo ni Ms. Ho? Mag-ingat sa pagpa-prank lalo na aniya sa mga war-trained reporter gaya ng kasamahan.
Iginagalang ng Opensa Depensa ang pananaw ni Gretchen.
Pero para sa pitak na ito, huwag na lang tayong mag-prank sa alanganing mga sitwasyon o lugar. Mapuwera na lang na pinagplanuhan talaga o marami para pasayahin ang isang tao.
Mahirap na ang maaksidente sa panahon ngayon.
Matuto tayo sa kaganapang ito. Maging leksiyon sana ito sa ating lahat.
***
Belated happy birthday kina Enrique ‘Toto’ Valera ng Paco, Maynila at Belinda Ignacio ng Santa Ana, Manila na mga nagdiwang nitong Lunes, January 11 at at Linggo, Jan. 3, ayon sa pagkakasunod.
Ang pagbati ay mula sa Fernando Maria Guerrero Elementary School Batch 1982 at Manuel Acuña Roxas High School Batch 1986. (REC)
-
Pangako ni PBBM: Pinas, walang isusuko na kahit isang pulgada sa teritoryo nito
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang isusuko na kahit na isang pulgada ang Pilipinas sa teritoryo nito sa gitna ng kasalukuyang geopolitical tension. Sa katunayan, nangako ang Pangulo na makikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino. “The country has seen heightened geopolitical tensions that […]
-
Gustong makakilala ng magiging inspirasyon: KYLIE, hindi na itinanggi na nakikipag-date na siya
SA isang interview kay Kapuso actress Kylie Padilla, natanong kung may bago na siyang lovelife, at hindi naman tumanggi ang bida ng Bolera, na she is presently dating. Biro pa niya, gusto naman niyang makakilala ng bagong pwedeng maging inspirasyon. At halata sa kanyang mga ngiti na masaya si Kylie. Pero hindi siya […]
-
IMBESTIGASYON LABAN SA FLIGHT ATTENDANT, MAKUKUMPLETO NA
INAASAHANG makumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa pakamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City noong December 31,2020. Ito ay makaraang matanggap na ng NBI angilan pang ebidensya na hawak ng Philippine National Police (PNP) tulad ng specimen, cellphone at garments. […]