• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkakaroon ng ’thanksgiving tour’ ngayong Sabado: Reunion movie nina JOSHUA at JULIA, higit P320 million na ang kinita

 

 

AS of August 28, 2024, Wednesday, umabot na sa PHP320M ang gross sales ng Un/Happy For You.

 

 

Third week na sa mga sinehan ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto at tiyak na lalaki pa ang kinita nito dahil bukod sa domestic gross ay madagdag pa international screenings nito.

 

 

Na nagsimula noong Agosto 22, Huwebes, napanood na ang Un/Happy For You sa Australia, New Zealand, United Arab Emirates (UAE), at Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

 

 

Agosto 23, Biyernes, pinalabas na ito sa USA, Canada, Guam, at Saipan.

 

 

Ngayong Huwebes, Agosto 29, showing na ito sa Qatar. Coming soon na ito sa Oman, Bahrain, Italy (Rome, Milan), Malta, Hong Kong, Malaysia, at Singapore. At may playdate na ito sa Cambodia, September 27.

 

 

At dahil nga sa tagumpay ng kanilang pelikula, magkakaroon ng ‘Happy For You: Thanksgiving Tour’ sina Joshua at Julia, kasama sina Aljon Mendoza, Bong Gonzales, at Bianca de Vera ngayong Sabado, Agosto 31 sa KCC Gensan Convention Center at KCC Koronadal.

 

 

At kahapon, nagkaroon ng special surprise ticket selling sina Joshua at Julia sa SM North EDSA na kung saan dinumog sila ng mga madlang pipol.

 

 

Ni-repost din ni Julia ang post ng Star Cinema at nagpapasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa movie nila ni Joshua.

 

 

Ang ‘Un/Happy For You’ na ang biggest Star Cinema movie na after pandemic at pinalabas sa regular playdate.

 

 

Samantala, kahapon din, tatlong pelikulang Pinoy ang nag-open sa local cinemas.

 

 

Ito ay ang Pagtatag! The Documentary ng SB19, Love Child nina RK Bagatsing at Jane Oineza, at Real Life Fiction nina Piolo Pascual at Jasmine Curtis-Smith.

 

 

At dahil nga box-office hit ang JoshLia movie na Un/Happy For You, aabangan naman kung anong pelikula ang susunod na makalalampas sa P100 million mark.

 

 

***

 

 

ANG GMA Kapuso Foundation (GMAKF), ang sociocivic arm ng GMA Network, ay nakatanggap kamakailan ng fourmillion pesos na donasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

 

Ang donasyon ay pormal na iniabot ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. kay GMAKF Executive Vice President & Chief Operating Officer Rikki Escudero Catibog sa isinagawang “Sagip Dugtong Buhay” bloodletting event noong Agosto 17 sa Ever Gotesco Mall, Commonwealth Avenue, Quezon City.

 

 

Ang donasyong ito ay naging posible sa pamamagitan ng boluntaryong kontribusyon ng mga sundalo ng AFP, na naglaan ng Php 50 mula sa kanilang pang-araw-araw na subsistence allowance na Php 150—katumbas ng isang pagkain—para dito. Ang AFP donation drive ay nakalikom ng sapat na pondo – kalahati ay napunta sa pagbibigay ng tulong sa mga sundalo ng AFP na direktang naapektuhan ng Super Typhoon Carina, habang ang kalahati naman ay naibigay sa GMA Kapuso Foundation para sa iba pang mga Carina survivors.

 

 

Ididirekta ang donasyon ng AFP patungo sa post ng GMAKF na mga proyektong rehabilitasyon ng Super Typhoon Carina, partikular na ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa mga lugar na may problema sa ekonomiya at mahirap.

 

 

Ang proyekto ay nagtataguyod ng pagboboluntaryo sa pamamagitan ng donasyon ng dugo, sa huli ay nakakatulong upang iligtas at pahabain ang mga buhay.

 

 

Para sa karagdagang detalye kung paano mag-donate sa GMAKF, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusfoundation/donate.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 44% ng mga Pinoy umaasang aangat ang buhay sa loob ng 12-mos. – SWS survey

    Umaasa umano ang nasa 44% ng mga Filipino adults na sila ay naniniwala na kahit papaano ay aangat ang kanilang buhay sa darating na 12 buwan o isang taon.     Ito ay batay naman sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong araw.     Sinasabing mula sa 1,440 respondents, nasa 44 […]

  • Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas

    Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna.     Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu.     “Subject ito sa mga kondisyon […]

  • Manggagawa ng gobyerno ng tatamaan ng ‘rightsizing’, maaaring mag- apply para sa bagong posisyon

    SINABI ng The Department of Budget and Management (DBM)  na ang panukalang  “rightsizing” sa gobyerno ay target na isumite sa Kongreso bago pa ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     “Aayusin po ng programang ito ‘yung mga ahensya na mayroong repetitive functions or overlapping functions,” ayon […]