MAGKAPATID NA OPISYAL INARESTO SA PASTILLAS SCAM
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng ahensya at kapatid nito na personnel naman ng Bureau of Immigration (BI) sa alegasyon ng pagkakasangkot sa manipulasyon at pangingikil sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa pastillas scam.
Nabatid na inaresto ng NBI Special Action Unit ang hepe ng NBI Legal Assistance Section na si Chief Atty. Joshua Capiral at kapatid na si Christopher Capiral na immigration officer.
Si Atty. Capiral ay siya umanong in charge sa pagsusuri ng imbestigasyon ng Special Action Unit (SAU) sa kontrobersyal na pastillas scam kung saan may kapangyarihan ito kung sino ang irerekomendang maisama o hindi sa kaso na mga immigration officers para sa SAU findings at sariling rekomendasyon.
Kinumpirma naman ni Atty. Ferdinand Lavin, ang deputy director at tagapagsalita ng NBI, na naaresto nga ang magkapatid dahil sa nasabing alegasyon.
Sa akusasyon,tumatanggap daw ng bribe si Atty. Capiral para makalusot ang immigration officer na nahaharap sa kaso dahil sa Pastillas Scandal. (GENE ADSUARA)
-
Naiyak at natakot sa ilang misyon sa ‘Running Man PH’: KOKOY, hindi inaasahan na malalasing kasama si ANGEL
LALO pang pinainit ng mga sexy hunks ng Sparkle ang summer sa pamamagitan ng kanilang short video na Boys of Summer. Pinakanatuwa ay ang mga beki dahil napagsama ng Sparkle ang mga pinapantasya ngayong mga lalake on television. This time ay mga pawisan sila sa paglaro ng basketball. May kanya-kanya nga raw na […]
-
Mylene Paat ng Chery Tiggo, bagong Team Captain
Mga laro sa Pebrero 4: (Smart Araneta Coliseum) 4:00pm — Akari vs Choco 6:00pm — Creamline vs Petro Gazz SI Mylene Paat na ang panibagong mukha ng Chery Tiggo kasunod ng pagkakahirang rito bilang MVP sa nagdaang Reinforced Conference. Kaya naman muli siyang sasandalan ng koponan sa darating na pagbubukas ng 2023 season […]
-
Kai Sotto magpapahinog muna
Magpapahinog muna si Kai Sotto sa National Basketball League (NBL) ng Australia bago sumalang sa NBA Draft sa mga darating na taon. Isa sa dahilan ng pagpasok ni Sotto sa NBL ang eligibility nito sa 2021 NBA Draft. Base sa patakaran ng draft, hindi pa maaaring agad na lumahok ang sinumang […]