• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkikita-kita muli – Jimmy Alapag

HINDI pamamaalam at sa halip ay pagkikitang muli sa lalong madaling panahon ang minensahe ni dating ASEAN Basketball League (ABL)-San Miguel Alab Pilipinas coach at Philippine Basketball Association (PBA)-San Miguel Beermen assistant coach Jimmy Alapag sa paglisan niya at kanyang pamilya para bumalik sa Estados Unidos ng Amerika.

 

“Hard to put into words the love I have for the Philippines. It’s been an incredible journey, and an experience that has been nothing but a blessing on my life. From the young, naive kid hungry just for an opportunity, to the man who fulfilled a life long dream and got a chance to see the world along the way. So many amazing memories, so many incredible people whose impact on my life will last a lifetime,” litanya ng former national at professional cager sa Instagram post niya nito lang Linggo.

 

“Yet as the past months have shown, sometimes our lives can take unexpected turns toward a path of struggle, doubt and uncertainty. But these times also give us a chance, a chance to learn more, grow more, and value what means most to us in our lives.” dagdag pa ng 42-anyos, 5-9 ang taas.

 

Kasama niyang nagtungo USA sa hangaring makapag-coach alinman sa National Basketball Association (NBA) G League o National Collegiate Athletic Association (NCAA), ang kanyang asawang si LJ Moreno at tatlo nilang supling.

 

“Not sure what lies ahead, but we have absolute trust and faith in God’s plans for our family. A new season, a new chapter. But no matter where this new path leads us, our heart will always be here in the (Philippines). Never goodbye, just see you all again soon… #NewSeason #NewChapter #Thankful #Blessed #Family #PBA #Gilas” dagdag nang nakapaglaro sa PBA sa Talk ‘N Text KaTropa at Manila Electric Company (Meralco) Bolts.

 

Maski sa Alapag Family Fun vlog na kanilang ipinost sa YouTube, iginiit din niya ang makabalik pa sa bansa sa hinaharap. (REC)

Other News
  • Gobyerno, kailangan ng mag-hire ng 2,855 health workers

    PANAHON na para mag-hire ang gobyerno ng 2,855 health workers para tumulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ay dahil patuloy na nakikita ng bansa ang patuloy na pagsirit ng bilang ng virus infections. Sa nasabing bilang 9,365 ang kailangan na health workers. Sa ngayon, ang pamahalaan ay mayroon […]

  • Muling nanawagan ang Gabriela Partylist para sa agaran at full clemency kay Mary Jane Veloso

    KASUNOD ng pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas ay muling nanawagan ang Gabriela Partylist para sa agaran at full clemency.     Agad na dinala si Mary Jane Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong makaraang magbalik bansa mula Indonesia.     “Mary Jane Veloso is a victim, hindi siya kriminal. She is […]

  • Mukhang nalalapit na ang engagement proposal: ARJO, looking forward na i-celebrate ang mga susunod pang birthday ni MAINE

    MULING ipinakita at ipinagmalaki ni Arjo Atayde ang pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng 27th birthday last Thursday, March 3.     Sa IG post ng award-winning actor ng kanilang photo ng Phenomenal Star, nilagyan niya ito ng sweet caption: “Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba.”   […]