• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magno magpapaboksing para sa mga na-Ulysses

ILISTA na sa humahabang talaan ng mga atletang may mabubuting kalooban si Irish Magno.

 

Aaayuda rin ang 29-anyos na dalagang tubong Janiuay, Iloilo sa mga nakalamidad.

 

Si Magno ay patungong 32nd Summer Olympic Games 2020 na naurong lang sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 dahil sa pandemyang Covid-19.

 

Sa pinaskil niya Facebook account, inihayag ng boksingera ang pagdaraos ng “Boxing Class For A Cause” sa ngayong Linggo, Nobyembre 29 sa Fitstart Gym sa Janiuay, Iloilo na may P100 entrance fee.

 

Ang lahat aniya na maiilak mula rito’y ipagkakaloob niya upang makatulong sa mga binagyo.

 

“How to help Victims of Typhoon Ulysses?? Come and Join our Boxing Class! Magiging fit kana makakatulong ka pa,” panapos na sambit ng Olympian boxer.

 

Kabilang si Magno sa apat na Pinoy na pasok na sa quadrennial sportsfest.

 

Ang iba pa ay sina reigning Universiade, Asian Championships at SEA Games champion men’s pole vaulter Ernest John Obiena, 2019World gymnastics men’s floor exercises gold medalist Carlos Edriel Yulo at newly- turned pro boxer Eumir Felix Marcial. (REC)

Other News
  • Ads August 29, 2022

  • Graduation, recognition rites, hindi dapat gamitin bilang political forum

    ANG PAGSASAGAWA ng End-of-School-Year (EOSY) rites ay dapat na maging malaya mula sa anumang electioneering at partisan political activity.     Sa virtual press briefing, inulit ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Torio ang mahigpit na pagsunod sa DepEd Order No 48 s. of 2018 o “Prohibition of Electioneering […]

  • PDu30 nanindigang hindi sisibakin si Duque

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tatanggapin niya ang alok ni Health Secretary Francisco Duque III na magbitiw sa tungkulin subalit hindi niya ito kailanman sisibakin sa puwesto.   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng naging panawagan ng publiko na palitan na si Duque bilang kalihim ng Department of Health […]