• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magno ‘nag-eespiya’ na rin

BUKOD sa kaabalahan sa pag-eensayo ni Irish Magno, ‘iniispayan’ din niya ang mga posibleng makasapakan sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na tuloy na sa Hulyo 23-Agosto 8 tapos maurong dahil sa COVID-19.

 

 

Kasagsagang nag-o- Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang boksingera, 29, 5-2 at isinilang sa Iloilo kung saan nagsisikap mahabol ang tamang lakas, porma’t bangis para sa quadrennial sportsfest na na huling ginanap sa Land of the Rising Sun noong 1964.

 

 

“Alam naman po nina (coach) kung ano ang mga dapat ko pang i-improve,” bulalas ni Magno sa pinakahuling bahagi ng Philippine Sports Commission (PSC) Hour interview nitong Lunes kung saan kanyang ring inaalam ang mga makakatuos via internet.

 

 

“Libre naman po ‘yung Wi-Fi dito, anytime puwede kami mag-scout sa kanila. So ‘yun po ang ginagawa ko rin bukod sa trainings . Tiningnan ko po kung sino na ‘yung mga nag-qualify na po sa Olympics bukod sa akin.” (REC)

Other News
  • COA kinuwestyon ang kakulangan ng ayuda ng DA sa mga magsasaka

    TINUKOY ng Commission on Audit (COA) ang ilang kuwestyunableng pamamahagi sana ng Department of Agriculture (DA) ng mga fertilizers, livestock, feeds at ilang agricultural products bilang ayuda sa mga magsasaka sa panahon ng pananalasa ng COVID-19.     Ang report ng COA ay bilang bahagi ng pagsasailaim nila sa annual audit noong nakarang taon sa […]

  • Itinuloy ang pag-aartista dahil sa isang pelikula: ROYCE, muntik nang mag-quit at magtrabaho na lang sa ibang bansa

    MUNTIK na palang magtrabaho sa ibang bansa si Royce Cabrera kung hindi pa dumating ang isang pelikula na magpapabago ng career niya. Ilang taon na rin daw siyang nakakontrata noon sa Star Magic ng ABS-CBN 2 pero wala raw nangyayari. Noong naka-graduate siya sa kursong BS Construction Engineering and Management from Mapúa University, naisip na niyang magtrabaho sa Singapore […]

  • 2 teenager, timbog sa panghoholdap sa estudyante sa Malabon

    ARESTADO ang 16-anyos na binatilyo at kasabwat niyang tambay matapos holdapin at saktan pa ang isang babaing estudyante sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na si alyas “Biboy”, 16 at alyas “Jemboy”, 19, kapwa residente ng Flovi 4, Paradise Village, Barangay Tonsuya. Sa kanyang ulat kay […]