Magpapainit sa malamig na Pasko: ANGELI, may follow-up movie agad at mas matindi ang ginawa sa ‘Eva’
- Published on December 16, 2021
- by @peoplesbalita
MAY follow-up movie agad ang newest sexy star na si Angeli Khang na huling napanood sa matagumpay na original Vivamax sex-drama movie na Mahjong Nights kung saan hindi siya nagpahuli sa veteran actor na si Jay Manalo sa pag-arte.
Sa kanyang follow-up project ng Viva Films muling bibida si Angeli sa newest erotic film na Eva na mula sa direksyon ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo.
Magpapainit nga ng malamig na Pasko ang Vivamax sa kanilang Christmas offering dahil December 24, magsisimula na ang streaming ng Eva na tiyak na pagpipiyestahan na naman ng mga kalalakihan sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Sa nakaraang virtual mediacon ng Vivamax para sa Eva, natanong si Angeli sa pagkakaiba nito sa Mahjong Nights at Taya.
Say ng sexy star, “Ibang-ibang ito, kasi si Eva rito, naghahanap ng sexual awakening at naging all-out sa pagpapakita ng kakayahan sa kama. Hindi lang sa lalaki, kundi pati sa babae at sa lahat na.”
“Masasabi kong mas all out itong ‘Eva’ kaysa sa ‘Mahjong Nights’ at sa ‘Taya’. Kasi, lahat ng klase ng sex scenes, masasaksihan n’yo rito.”
Patindi nang patindi nga ang ginagawa ni Angeli at talagang nag-all out na siya dito sa Eva.
Ano kaya ang magiging reaction ng Korean father niya pag nalaman o napanood ang mga mapangahas na characters na ginampanan sa tatlong pelikula niya?
“Na-realize ko na parang palala nang palala ang bawat movie ko,” sagot niya.
“But also, pa-happy nang pa-happy naman dahil parami rin nang parami ang projects na binibigay sa akin ng Vivamax.
“And for my dad, I’m not really sure. Although, ito ang update, nakausap ko na dad ko sa email, na nag-aartista na ako but hindi ko pa nasasabi sa kanya ‘yun role ko being ang artist.
“But he told me, na magsu-support siya in time na gusto kong pumunta ng Korea at mag-aral sa college, nandyan lang siya sa akin as a helping dad.”
Umamin naman si Angeli na kahit ilang beses na siyang nakipag-love scene sa movie ay kinakabahan pa rin siya, pero naibibigay naman niya ng tama ang gustong makita ni direk Jeffrey na very approachable.
“Very encouraging siya, very patient kasi alam niyang mga baguhan kami. We can feel his respect for us,” pahayag pa ng sexy star.
Dahil nga sa matitinding eksena na sa trailer na palang ay pinakita na may eksenang threesome, natanong din namin sa virtual mediacon si Angeli kasama ang co-stars niya na sina Sab Aggabao, Ivan Padilla at Marco Gomez, kung nasa list ba ng sexual fantasies nila ang makipag-threesome, at kung sa two girls o sa two guys?
Unang sumagot si Marco, “sa mga boys, mas gusto nila ang dalawang babae at isang lalaki.”
Sabi naman ni Sab, “naisip ko naman rin yan, mas gusto ko siyempre ko dalawang babae, isang lalaki. Hindi naman kaya pag dalawang lalaki.”
Sagot naman ni Ivan, “sa movie na ito, natupad ang mga fantasies ko, na ‘yun iba hindi ko alam na fantasy ko pala.”
‘Di naman nagpatalbog sa sagot si Angeli, “for me, two girls and two guys, para iba’t-iba ang ka-partner ha ha ha.”
Tinanong na rin si Direk Jeffrey tungkol sa pakikipag-threesome, “kung pwede na foursome, mas gusto ko ‘yun, para pantay.
“Parang ‘yun sa ‘Palitan’, yun number one ngayon sa Vivamax.”
Para ma-stream ang Eva sa December 24, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store at Huawei store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.
Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.
Mapapanood din ang Eva sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.
Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada na rin ang Vivamax.
(ROHN ROMULO)
-
Distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng lindol, pinangunahan ni PBBM
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng magnitude 7 earthquake na umuga sa lalawigan ng Abra, araw ng Miyerkules. Sa kanyang naging pagbisita sa lalawigan ng Abra, namahagi si Pangulong Marcos ng relief packs matapos ang pakikipagpulong nito sa mga lokal na opisyal na nagpaabot […]
-
Nagulat ang mga fans nang muling mag-post sa IG niya: Pagpaparamdam ni TOM, ‘di pa rin hudyat sa pagbabalik-showbiz
HAPPY ang mga fans ni Kapuso Drama King Dennis Trillo, ngayong balik-trabaho na siya sa bagong naiibang teleserye sa GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra.” Marami na ang nagtatanong kung ano raw ang naturang serye, kung ito raw ang story nina Maria Clara at Ibarra na mga pangunahing tauhan ng “Noli Me […]
-
Pinas, planong gamitin ang mining revenues para sa Maharlika Investment Fund
PLANO ng Pilipinas na tapikin ang mining industry para tumulong na suportahan ang nililikhang sovereign wealth fund. Habang sinimulan na ng 18-member government delegation ang World Economic Forum annual meetings hinggil sa global pitch para sa Maharlika Investment Fund (MIF), Ipinaliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang konsepto ng sovereign wealth fund […]