• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert: BEA at JERICHO, parehong excited na makatrabaho ang mga beterano sa teatro

KAPWA magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert’ sina Bea Alonzo at Jericho Rosales. 

 

 

Sa May 6 na ito at magaganap ito sa Metropolitan Theater sa Lawton, Manila.

 

 

On Instagram, nag-share sina Echo at Bea ng kanilang excitement na makakatrabaho nila ang mga veteran theater performers sa ‘Ang Larawan: The Concert.’

 

 

“We don’t know why we are here. We are holding scripts and there’s a bunch of guys, singers, actors and that guy on the piano. We are freaked out. We want to die,” caption ni Jericho.

 

 

Caption naman ni Bea: “They are the best ones.”

 

 

Makakasama nila Bea at Echo sina Karylle, Markki Stroem, Kakai Bautista , Kakki Teodoro, Aicelle Santos, Mitch Valdez and Nonie Buencamino.

 

 

‘Ang Larawan: The Concert’ ay kabilang sa culminating activity ng newly-restored Metropolitan Theater’s year-long celebration of The Order of National Artists of the Philippines.

 

 

Sina Girlie Rodis and Aaron Velasco of the Metropolitan Theater ang producer with Ryan Cayabyab as the musical director.

 

 

Ang Larawan ay naging stage musical noong 1997 na pinagbidahan nina Celeste Legaspi at Zsa Zsa Padilla. Base ito sa 1950 literary play ni Nick Joaquin na A Portrait of the Artist as Filipino.

 

 

Ginawa naman itong pelikula noong 2017 at naging official entry sa 43rd Metro Manila Film Festival kunsaan nanalo ito ng limang awards kabilang ang best picture at best actress for Joana Ampil.

 

 

***

 

 

HINDI kataka-takang matawag na Heartthrob ng Sparkle Teens si Antonio Vinzon dahil pang-leading man ang dating niya.

 

 

Sa edad na 15, towering height na meron si Antonio na namana niya sa kanyang actor-father na si Roi Vinzon. Si Antonio (Roi Antonio David is real life) ay isa sa pitong anak ng veteran actor. Ang nakakatandang kapatid ni Antonio na si Lala Vinzon ang unang pumasok sa showbiz via The Voice Teens noong 2017 at naging talent ng Sparkle noong 2021. Sumali naman last year si Lala sa Bb. Pilipinas pageant.

 

 

Medyo naging emotional si Antonio sa launch ng Sparkle Teens dahil sa pagpayag ng kanyang parents na pasukin niya ang pag-aartista. Gusto raw niyang sundan ang yapak ng kanyang ama na mahusay na kontrbida at action star. Pero sa dating ni Antonio, future leading man ito sa mga teleserye at pelikula.

 

 

Pinakita nga raw niya sa kanyang parents na seryoso siya sa pinasok niyang career. Maaga raw siyang magising para um-attend ng workshops. Looking forward daw ito nakagawa ng malalaking teleserye kasama ang ilang kasamahan niya sa Sparkle Teens.

 

 

***

 

 

NASA market na ang naiwang property ng yumaong si Barbara Walters sa Manhattan, New York.

 

 

Ang apartment ni Walters sa Manhattan’s Upper East Side ay binebenta for $19.75 million. Unang binili ng late TV icon ang kanyang luxury apartment noong 1989.

 

 

Ayon sa description ng naturang property by Alexa Lambert of Compass: “The home overlooks Central Park and is currently arranged into 2 bedrooms but can be converted into 4. It’s got a ton of other cool features — including a wood-burning fireplace, 10-foot-high ceilings, and nearly floor-to-ceiling windows to enjoy the park views. The primary bedroom suite has a room/office, an expansive closet and beautiful views of the city.”

 

 

Noong pumanaw si Walters noong December 30, 2022, walang naiba sa hitsura ng apartment at intact pa rin ang kanyang mga mamahaling furnitures and other collectible art pieces.

 

 

Si Walters ang isa sa longest-serving journalists and the first woman to anchor on NBC’s Today show. Inabangan for 25 years ang kanyang year-end special na Barbara Walter’s 10 Most Fascination People on ABC na umere mula 1979 to 2004.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Carlo Paalam’s Olympic win,ipinagbunyi ng mga taga- CdeO

    Ipinagbunyi mismo ni City Mayor Oscar Moreno ang panibagong panalo ng kanyang alaga na noo’y paslit pa lamang at kasalukuyan ng Olympian boxer Carlo Paalam.     Ito ay matapos nasaksihan ng alkalde kung gaano kalaki ang pag-unlad ni Carlo sa larangan ng boksing ang kabilang sa mga atletang Pinoy na patuloy nakikipag-sapalaran sa Tokyo […]

  • MRT-3, nakapagsilbi sa higit 281K pasahero

    INIULAT  ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot sa kabuuang 281,507 ang mga pasaherong kanilang napagserbisyuhan sa unang araw ng implementasyon ng kanilang isang buwang libreng sakay program nitong Lunes, Marso 28.     Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula […]

  • 200-K trabaho, inaasahang maibabalik – DTI

    Aabot sa 200,000 trabaho ang inaasahang maibabalik kasunod ng paglalagay sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga karatig na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula bukas, Mayo 15.     Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magmula nang inilagay kasi […]