Magpo-focus na lang sana sa mga negosyo niya: DAVID, muntik ng mag-quit at ‘di tanggapin ang serye nina BARBIE
- Published on March 22, 2023
- by @peoplesbalita
NAG-TRENDING sa Twitter ang post ng Sparkle GMA Artist Center na: “Goosebumps sa first-ever solo mall show ni Pambansang Ginoo David Licauco sa Gaisano Mall of Davao – A number of fans also travelled from different parts of Mindanao to see David.”
David is in Davao City this weekend to celebrate Wiltelcom’s 23rd anniversary. Kasabay nito ay ipinakita ang video kung gaano karami ang mga fans na pumuno sa four levels ng mall. Nahirapan ang security bago nila naiakyat sa stage si David.
Hindi ito in-expect ni David, na gusto na sanang mag-give up sa kanyang showbiz career, at ang “Maria Clara at Ibarra” na sana ang huli niyang gagawing serye sa GMA Network, ayon sa manager niyang si Arnold Vegafria.
“Gusto na sana ni David na mag-focus na lamang sa mga businesses niya, para raw kasing walang nangyayari sa kanyang career. Muntik na naming hindi tanggapin ang offer ng #MCI para sa role ni Fidel, pero kinumbinse kami ng GMA, na sagot namin, “let’s see,,, we might get lucky this time.”
Nang magkasama na si Fidel at Klay (Barbie Forteza), napansin ng creative team ng serye na nagustuhan ng viewers ang funny cat-and-mouse dynamic ng dalawa, ang chemistry nila.
Dahil binansagan si David ng “Pambansang Ginoo” at naka-attract na siya ng mga teenage girls and young fans. Kaya totoo iyong ibinaba ang mga ads ni David ng isang big clothing brand na he’s topless and wearing an underwear dahil the children and the teenagers look to him as a role model.
Nawala man ang said ads, kapalit ay apat pang ads ni David as faces of the brand’s main lines.
Meanwhile, sina Barbie at David din ang napili ng Universal Records para sa official music video ng Ben & Ben’s “The Way You Look at Me,” na makakasama nila si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
Ilo-launch ang teaser sa Saturday, March 25, sa YouTube. Napapanood din sila ngayon sa 4-week episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko”, tuwing Linggo.
Pagbalik ni Barbie from her US vacation, dalawang projects ang naghihintay sa kanila, isang movie at isang teleserye.
***
MULING magbabalik si phenomenal star Maine Mendoza for a new season ng “#MaineGoals”.
Tiyak na magugustuhan ito ng mga viewers ng show dahil the new season will give a new set of exciting adventrues, na mas braver, fiercer and stronger. More people to meet… more experiences to share….more stories to tell… and more goals to achieve!
Balitang three-days nag-shoot ng mga episodes sa Boracay sina Maine, Chamyto at Chichirita. Muling magbabalik ang “#MaineGoals” this April, from Monday to Friday, 8:30 AM sa TV5 (Free TV) at 8PM sa BuKo Channel (Ch. 2 on Cignal TV & SatLite).
***
POPSTAR Royalty Sarah Geronimo will be back on the concert scene.
Inilabas na ng Viva Live, Inc. na magkakaroon ng concert si Sarah sa Araneta Coliseum para i-celebrate ang kanyang 20th anniversary. Magaganap ito on May 12, 2023, titled “Sarah Geronimo: The 20th Anniversary Concert,” na magkasama nilang ididirek ni Paolo Valenciano.
Happy ang mga fans ni Sarah dahil three years ago pa ang last concert niya, ang “Unified,” na kasama niya si Regine Velasquez. Mabibili na ang tickets sa halagang P 15,000 for SVIP (na may kasamang meet and greet), P 8,000 (VIP), P 6,500 (Platinum), P4,000 (lower box), P 1,200 (upper box) at 600 (general admission).
(NORA V. CALDERON)
-
Dagdag na P1K social pension sa mahihirap na seniors, may pondo
TINIYAK ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na may pondo para sa P1,000 social pension ng may apat na milyong mahihirap na senior citizens sa bansa. Ito ay batay na rin sa kumpirmasyon sa kanila ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na nagsabing ang karagdagan P25.6 bilyon na kakailanganin para sa […]
-
Sotto magpapalakas pa!
AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito. Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila. […]
-
Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng supply ng kuryente
Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Luzon ngayong linggong ito bunsod na rin nang ikinasang mga pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco). Ayon sa Meralco, sisimulan nila ang pagkukumpuni sa Setyembre 8, Martes, hanggang sa Setyembre 12, Sabado. Nabatid na kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang ilang lugar sa […]