• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magsalamin sa mata, magbitbit ng tubig

BATAY po sa aking karanasan, nais kong i-share naman ngayon sa inyo mga kapwa ko mananakbo, ang pagsasalamin (sun glass) na hindi dark color, light color dapat kung mag-ja-jogging-running tayo sa umaga sa labas ng ating tahanan.

 

Dapat ding magbaon ng tubig kahit sa maliit na container o nabibiling purified bottled water.

 

Iyan po ang dalawang bago nating maipapayo dear runners/joggers. Kahit na rin sa bikers o cyclists.

 

Kahapon natalakay ko po ang pagsusuot na rin ng face mask sa new normal. Pero ang ginagawa ko kung wala po akong makakatabi, katabi, masasalubong, kasalubong, binababa ko muna siya nang kaunti lang dahil mahirap kapusin ng hininga.

 

Balik po ako sa sun glass at bottled water, parehong kailangang-kailangan po ito sa kalsada habang natakbo o nag-ja-jogging ka. Kasi kahit tag-ulan na tayo, mainit pa rin talaga ang klima.

 

Mas agahan din natin ang pagtakbo sa umaga. Maga lang matulog para maaga ring gumising.

 

Masakit na ang araw sa ating mga mata ati madal rin tayong mauhaw dahil sa init kapag tinanghali tayo ng bangon.

 

At sa pag-jog-run bago gawin iyan ilang minutong exercise, stretching at walking. Para makaiwas po tayo sa injury.

 

***

 

Patuloy po nating idalangin na may matuklasan ng gamot o iniksiyon, o kaya’y kusa na lang maglaho ang Covid-19 pandemic. Siyempre  hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo, para makabalik na ang lahat sa dati, pati po ang sports events worldwide.

 

Mag-ingat pa rin po tayo araw-araw, panatilihinng malakas ang ating katawan.

 

***

 

Kung may nais po kayong itanong o gusto ninyong magreaksiyon, mag-email lang po sa  jeffersonogriman@gmail.com.

 

Hanggang sa  susunod mga ka-People’s BALITA.

 

God bless us all! (REC)

Other News
  • Construction worker timbog sa 328 grams marijuana

    Swak sa kulungan ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Paolo Reyes alyas Amping, 21, ng Ignacio […]

  • Q&A WITH “MALIGNANT” DIRECTOR-WRITER JAMES WAN: “THE KEY IS TO SCARE IN A FRESH, UNIQUE WAY”

    MASTER of modern horror James Wan returns to his roots as both writer and director with the new original horror thriller “Malignant.”     [Watch the film’s new vignette at https://youtu.be/OCQ_H3_lwFE]       A fresh, new brand of horror thriller with a surprising mystery, “Malignant” tells the story of Madison (Annabelle Wallis) who is paralyzed by […]

  • Inflation, magsisimulang humupa sa Enero, balik sa target range sa Hulyo –BSP

    INAASAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumagal at humupa ang  inflation sa Enero ng susunod na taon at babalik ito sa normal na  target range sa Hulyo.     Sinabi ni BSP governor felipe medalla na ang inflation ay magsisimulang maging normal matapos na  umabot ito sa pinakamataas ngayong buwan kasunod […]