Magsayo humahanap pa ng makakaupakan
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
PURNADA ang laban ni World Boxing Council – Asian Boxing Council (WBC-ABC) featherweight champion Jessel Mark Magsayo kasama ang MP Promotions nang magretiro na si Jose Haro ng Estados Unidos.
“My kids don’t want (me) to fight anymore. It breaks my heart to say this but I’m retiring from boxing. I have too many kids to keep putting my life on the line every time I step in the ring,” esplika ni Haro sa Powcast Sports nitong isang araw.
Magpapang-abot dapat ang dalawang boksingero nitong Setyembre 23 bago inusog ng organizers sa Oktubre 3 dahil sa Covid-19.
“Once they switch the date for the fight that’s when I decide it’s best for me to walk away,” dugtong na saad ng 33-taong gulang na boksingero. “I would like to apologize to all the Pilipino people. I wanted to give them a great fight. Just my heart is not in it anymore.”
Binanggit naman ni MPP president Sean Gibbons na tuloy ang laban sa Oktubre 3 ng kanyang 25-anyos na bata buhat sa Tagbilaran City, maghahanap na lang ng kapalit. (REC)
-
Tinanghal na ‘Outstanding Asian Star’: KIM, ‘di napigilang umiyak nang i-alay ang parangal kay DEO
HINDI napigilang umiyak ni Kim Chiu nang banggitin niya ang pangalan ng namayapang si Deo Endrinal na isa sa pinasalamatan niya nang tanggapin niya ang Outstanding Asian Star award sa 2024 Seoul International Drama Awards. Personal na tinanggap ni Kim ang nasabing award at talagang naglaan siya ng panahon para makarating sa bayan ng […]
-
COVID-19 vaccines para sa kapulisan, sapat- Sec. Roque
SINIGURO ng Malakanyang na sapat ang COVID-19 vaccines para sa kapulisan. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na karapat-dapat naman na kilalanin ang mga law enforcement agents sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sinabi niya sa pagbabakuna ng police personnel […]
-
Ads January 5, 2023