• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magsayo idedepensa ang WBC belt vs Vargas

WALA munang rematch sina reigning World Bo­xing Council (WBC) fea­therweight champion Mark Magsayo at Gary Russell Jr.

 

 

Ito ay matapos ipag-utos ng WBC ang mandatory title defense ng Pinoy pug laban kay Mexican challenger Rey Vargas.

 

 

Umaasa ang ilan na magkakaroon agad ng Part 2 ang Magsayo-Russell fight.

 

 

Subalit hindi muna ito matutupad matapos umek­sena si Vargas.

 

 

Galing sa matagumpay na panalo si Magsayo nang itarak nito ang majority decision win kay Russell para maagaw ang WBC belt noong Linggo sa Atlantic City sa New Jersey.

 

 

Hindi pa man nag-iinit ang korona kay Magsayo, tila sasalang na agad ito sa pukpukang ensayo upang paghandaan ang kanyang susunod na laban.

 

 

Hindi naman na bago si Magsayo sa mga Mexican boxers.

 

 

Sa katunayan, ilang Mexican fighters na ang pinangalanan nito matapos ang kanyang kampeonato.

 

 

“I want to fight Mexicans, they are great figh­ters, warriors. I would like to fight Leo Santa Cruz or Luis Nery,” ani Magsayo.

 

Limang Mexican bo­xers na ang nabiktima ni Magsayo sa kanyang bo­xing career.

 

 

Sa kabilang banda, mataas ang respeto ni Vargas kay Magsayo.

 

 

Nasaksihan nito ang bagsik ng kamao ni Magsayo sa laban nito kay Russell.

 

 

“Magsayo is a wider fighter, but he is smarter. Yes he has more strength than Gary Russell, but Magsayo showed a lot of intelligence in this fight,” ani Vargas.

Other News
  • Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba

    BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023.     Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families.     […]

  • Mga lugar na nasa lockdown sa QC nadagdagan pa; occupancy rate sa 3 hospitals 100% na

    Muling nadagdagan ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa special concern lockdown sa Quezon City.     Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 53 na lugar sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Belmonte na partikular […]

  • Presyo ng asukal posibleng bumalik na sa normal sa susunod na buwan – SRA

    NANINIWALA ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na makakabalik sa normal ang presyo ng asukal kapag umangkat tayo sa ibang bansa.     Mula kasi sa dating P1,700 ang presyo ng isang sako na puting asukal ay naging P3,000 na ito.     Habang ang dating P2,000 na presyo ng pulang asukal ay naging P2,700 na […]