• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magtatambal sa isang romantic comedy film… JENNYLYN, matutupad na ang pangarap na muling makatrabaho si DENNIS

MATUTUPAD na ang pangarap ni Jennylyn Mercado na makatrabaho sa isang proyekto ang kanyang mister na si Dennis Trillo.

 

 

Magtatambal ang Kapuso couple sa isang romantic comedy film na may pamagat na “Everything About My Wife.” Ang naturang pelikula ay Philippine adaptation ng isang Argentinian movie.

 

 

“Masaya siya kahit na tungkol siya sa mag-asawang nag-aaway,” sabi ni Dennis.

 

 

Natatawang sey ni Jen ,“Pinamigay niya ‘yung asawa niya.”

 

 

Ang “Everything About My Wife” ang magiging unang proyekto nina Dennis at Jennylyn matapos silang magpakasal noong 2021.

 

 

Dati nang nagkasama sa isang proyekto ang dalawa sa “I Can See You: Truly, Madly, Deadly” noong 2020.

 

 

Ayon kay Dennis, tinulungan siya ni Jennylyn na makapag-adjust sa romcom, na aminado siyang bago para sa kanya.

 

 

“Nung umpisa medyo nangangapa ako dahil hindi ako sanay gumawa ng mga light na project. Siyempre sinusuportahan naman ako nung asawa ko, queen of romcom.”

 

 

Sey naman ni Jennylyn: “Hindi naman niya kailangan sa totoong buhay. Natutuwa ako na nashe-share na niya sa mga tao gamit ‘yung TikTok, at least maraming natutuwa sa kanya, na-e-enjoy ‘yung mga videos niya at ‘yung creative side niya nilalabas niya.”

 

 

Magtatapos na ngayong gabi ang teleserye ni Jennylyn na “Love. Die. Repeat.” Habang magiging kontrabida naman si Dennis sa upcoming historical action series na “Pulang Araw,” na kasama rin sina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, at David Licauco.

 

 

***

 

 

EMOSYONAL sina Ogie Alcasid at Karylle sa kanilang pagbabalik sa Kapuso Network, matapos ang contract signing ng “It’s Showtime” na mapapanood na ito sa main channel ng GMA-7.

 

 

Si Ogie, umaasang magkaroon ng “SOP” reunion sa noontime show.

 

 

“Naluluha ako because of joy. Dito ako nanggaling noon, tapos ito at nakabalik ako. It’s an emotional journey. Sino ba ang makakapagsabi? Only God,” sabi ni Ogie.

 

 

Hiling ni Ogie na muli niyang makasama ang kanyang co-hosts sa “SOP,” na dating variety show ng Kapuso Network tuwing Linggo.

 

 

“Maganda, magsama-sama kami for a great production number, we can relieve the old SOP days, that would be nice. Maybe nandiyan sina Jolina (Magdangal), sina Janno (Gibbs), Regine (Velasquez), Jaya. Maybe gagawin ko ‘yun sa birthday ko,” saad ni Ogie.

 

 

Labis din ang tuwa ni Karylle sa kanyang pagbabalik-Kapuso.

 

 

“For me personally it’s almost like a homecoming also because I was welcomed back by the Kapuso bosses and I felt talagang very, very special and very, very welcome.”

 

 

Pumirma ng kontrata ang “It’s Showtime” sa Kapuso Network kung saan mapapanood na sila sa main channel nito simula sa Abril 6.

 

 

Nagsimulang mapanood ang “It’s Showtime” sa GTV channel ng GMA noong nakaraang Hulyo.

 

 

***

 

 

SA edad na 82, muling lalabas si Martha Stewart sa Sports Illustrated Swimsuit issue para sa 60th anniversary nito.

 

 

Unang na-feature ang alindog ng Lifestyle Queen noong 2023. Sa susunod na paglabas niya ay kasama niya ang mga iconic models ng naturang magazine.

 

 

“They got about 28 of the former iconic models — ‘legends,’ they call them… and we’re going to be in that issue. I’m honored to be in that issue with the likes of Christie Brinkley, Paulina Porizkova, Kate Upton and Tyra Banks,” sey ni Martha na pasabog daw ang isusuot niyang swimsuit.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kiefer ‘di pinayagan ng PBA

    Hindi masisilayan si Kiefer Ravena suot ang Shiga Lakestars sa Japan B.League.     Ito ay matapos magdesisyon ang PBA Board of Governors na huwag pahintulutan si Ravena na makapaglaro sa Japanese league.     Nais ng PBA na sundin ni Ravena ang nakasaad sa kontrata nito sa NLEX Road Warriors.     “The PBA […]

  • Updated SRP sa mga pangunahing bilihin, isinasapinal pa ng DTI

    KASALUKUYAN  pang isinasapinal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglalabas ng updated suggested retail price (SRP) ng mga basic necessities and prime commodities (BNPCs) sa bansa.     Sa gitna pa rin ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa Pilipinas.     Matatandaan na una nang sinabi ng […]

  • ANGEL, labis ang pasasalamat sa ginawang tribute ng FDCP bilang isa sa ‘Cinemadvocates’; tatanggap din ng IVR Award sa ‘4th EDDYS’

    NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa ginawang tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kung saan isa siya sa ginawaran ng 2021 Cinemadvocates sa katatapos lang na 5th Film Ambassadors’ Night.     Post ni Angel, “Thank you @fdcpofficial for this heartwarming tribute. “Masuwerte lang ako na meron akong @neil_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa […]