Magwo-world premiere na ngayong September: First teaser ng ‘Start-Up PH’ nina ALDEN at BEA, umani agad ng maraming views
- Published on August 19, 2022
- by @peoplesbalita
UMANI agad ng maraming views ang first teaser ng “Start-Up PH” after ipalabas ito sa Chika Minute ng “24 Oras” last Wednesday, August 17.
Ang bagong serye ay first-ever adaptation of a breakthrough K-drama sa Philippine television, na magtatampok sa Asia’s Multimedia Star, Alden Richards, and multi-awarded actress and box office icon na si Bea Alonzo.
Ang “Start-Up PH” ay isang unique story about dreaming and loving. Starring sina Ms. Gina Alajar, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, Kim Domingo, Ayen Munji-Laurel, Nino Muhlach, Lovely Rivero, Jackie Lou Blanco.
Sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, this September na ang world premiere sa GMA Telebabad.
***
SA halip na i-bash ng mga netizens si Lianne Valentin, nang mag-post ng birthday greetings ang GMA Afternoon Prime series niyang “Apoy sa Langit,” last August 15, binati siya ng mga viewers.
Comment nila, “Happiest Birthday to the woman who makes afternoon much more exciting, our Stella! May this day be good to you Lianne! Hindi ka muna naming aawayin ngayong araw!”
Totoo naman kung kinaiinisan sa serye ang kamalditahan ni Stella, marami ring humahanga sa husay niya sa pagganap bilang other woman ni Cesar (Zoren Legaspi) at ang mga tinitiis niyang hindi pagpapahalaga sa kanya nito bukod pa sa galit na tinitiis niya sa mag-inang Ning (Mikee Quintos) at Gemma (Maricel Laxa),
At buntis pa ito sa anak nila, pero hindi siya sumusuko, dahil ganoon niya kamahal si Cesar. Hanggang kailan kaya magtitiis si Stella?
Napapanood ang “Apoy sa Langit,” 2:30 PM after “Eat Bulaga.”
***
FEEL-GOOD series ang first project together ng Sparkle stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa GMA, ang “What We Could Be,”
Kaya na-excite na ang mga viewers ngayong ipinapakita na ang ilang eksena ng serye.
Comment nga ng isang fan: “Lumevel na ang GMA sa romcom tapos, mahusay pa ang director nila, si Jeffrey Jeturian. Aabangan ko ito. In fairness, ang ganda rin ng OST, dagdag kilig!”
Ang “What We Could Be” ay first collaboration ng GMA Network at ng Quatum Films ni Atty. Joji Alonso.
Makakasama rin nina Miguel at Ysabel sa cast si Yasser Mata at si Ms. Celeste Legaspi. Handa na ngang magpakilig sina Miguel at Ysabel, at mapapanood na sila sa world premiere nito simula sa August 29, 8:50 PM, after “Lolong.”
Papalitan nila ang “Bolera” nina Kylie Padilla at Rayver Cruz na magwawakas na sa August 26.
***
NAGSIMULA na ang online audition sa “The Clash Season 5” para sa mga Filipinos, na 16 years old pataas, na may talent sa pagkanta.
Sa mga interesadong sumali, mag-upload lang kayo ng video with accompanying self-introduction, one Tagalog song and one English song. Maaaring kumanta lang ng acapella, or may kasamang live instruments. Iwasan lamang gumamit ng voice effect or enhancements sa inyong video.
Tumutok lamang sa official social media account ng “The Clash” para sa mga susunod pang detalye ng audition.
Panel judges ng “The Clash 5” sina Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista. Hosts sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Sino kaya ang magiging co-journey host ni Ken Chan?
***
PATULOY pa rin ang blockbuster showing, here and abroad, ng “Maid in Malacanang” ni Director Darryl Yap for Viva Films, na tampok sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Ms. Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo.
Nag-sign up ng movie contract si Ruffa sa Viva Films. Mayroon pa kasing part two and three ang movie, na kasama pa rin si Ruffa bilang Madame Imelda Marcos, kaya pumirma na siya ng contract.
Labis naman ang pasasalamat ni Ruffa kay Direk Darryl at sa Viva Films na siya ang kinuhang gumanap ng role. May mga nagsasabi ngang baka raw gawin din ng Viva Films ang life story ni Madame Imelda.
(NORA V. CALDERON)
-
Ex-child star na si Hopia, excited masolo sa bakasyon ang BF ngayong engaged na
Hindi akalain ni Katrina Legaspi o nakilala noon bilang si “Hopia,” na maiisip ng kanyang longtime boyfriend na alukin na siya ng kasal. Nitong weekend nang ibahagi ng dating child star at ngayo’y 26-year-old na, ang pagbigay nito sa matamis na “oo” sa marriage proposal ng kanyang boyfriend of six years. Ayon kay […]
-
HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION
Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapag-usapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga heneral ang napapakinggan kundi ‘yung galing din sa medical experts. Importante […]
-
Petecio naka-usad na sa susunod na round ng women’s 57 kgs. boxing
NAGWAGI si Pinay boxer Nesthy Petecio sa women’s 57 kgs. round of round sa nagpapatuloy na Paris Olympics. Nakuha ni Petecio ang unanimous decision laban kay Jaismine ng India sa laban nila nitong madaling araw ng Hulyo 31. Mula sa una hangang sa last round ay dominado ni Petecio na silver medalist noong Tokyo Olympics […]