• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOME SERVICE VACCINATION PARA SA MGA ‘BEDRIDDEN’ NA MANILENYO, ISASAGAWA

MAGSASAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng home service vaccination para sa mga “bedridden” na Manilenyo upang sila ay mabakunahan kontra COVID-19.

 

Kasunod ng paglulunsad ng “home service vaccination” , sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa pamamagitan nito ay mabibigyan din ng bakuna  ang mga may karamdaman at walang kakayanang magtungo sa itatalagang vaccination sites ng lokal na pamahalaang lungsod.

 

Payo ng alkalde,  ipalista lamang sa nakakasakop na barangay ang pangalan at tinitirhan ng isang bedridden patient na nais magpabakuna upang mapuntahan ito ng kawani ng Manila Health Department (MHD) at maturukan ng covid vaccine.

 

Pinayuhan din ng alkalde ang mga bedridden patients na magpakonsulta muna sa kanilang doktor  bagao magpatala para sa vaccination lalo na ang may kinakaharap na comorbidity.

 

 

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng MHD umabot na sa 72,141 frontline workers (A1), senior citizens (A2), at individuals with comorbidities (A3) ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

 

Patuloy naman ang isinasagawang bakunahan kontra COVID-19 ngayong araw kung saan kabilang sa babakunahan ang A1.1-A1.7 group, A2 group, at A3 group. Narito ang listahan ng vaccination sites para sa mga tatanggap ng kanilang first dose: District 1 – Emilio Jacinto Elementary School; District 4 – Ramon Magsaysay High School; at District 5 – Justo Lukban Elementary School

 

Makatatanggap na rin umano ng second dose ng bakuna ang medical frontliners mula sa A1.1-A1.7 group na nakakuha ng kanilang first dose noong March 2 hanggang March 18 kung saan ginaganap ang second dose vaccination sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard ngayong araw.

 

Patuloy naman ang paghihikayat ni Yorme Isko sa mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa. Aniya, lahat ng interesadong magpabakuna kontra COVID-19 ay maaaring mag-register sa www.manilacovid19vaccine.ph

 

Paalala ng alkalde,  sumunod pa rin sa mga health safety protocols  at minimum public health standards  partikular ang pagsusuot ng  face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing pagdating sa vaccination sites. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Alfred, isa sa mga sumuporta: ‘Easy Listening’ ni Nestor Cuartero, tagumpay ang book launch

    MALUGOD na inihayag ng UST Publishing House (USTPH) ang paglabas ng kalilimbag na aklat, sa ilalim ng kanilang creative nonfiction shelves, na “Easy Listening” ni Nestor Cuartero Ito ay kaipunan ng mga personal na sanaysay ng veteran journalist at book author sa kanyang matapat na pagtalakay tungkol sa iba’t ibang paksa — mula sa pagninilay […]

  • MAHIGIT 5MILYON BAGONG BOTANTE, NAITALA

    NAKAPAGTALA na ng 5.77 milyong bagong botante ang Commission on Elections  isang buwan bago ang itinakdang deadline ng voter registration para sa 2022 .     Ayon may Commissioner Rowena Guanzon malapit na  sa target ng Comelec na maaring makapagrehistrong botante.     Sa isang forum na inorganisa  ng Catholic Educational Association of the Philippines, […]

  • QC Health Dept. nagpaliwanag kaugnay sa ‘leaked slide’; siyudad nananatiling nasa Alert Level 1 sa COVID-19

    NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Quezon City Health Department (QCHD) kaugnay sa “leaked slide” na nagpapakitang nasa “yellow status” ang siyudad sa Covid-19.     Kinumpirma ni Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit Chief, Dr. Rolly Cruz, na totoong sa kanila ang kumalat na kopya ng COVID report slide ng lungsod.     Subalit ayon […]