Maharlika Fund lusot na sa Senado
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukala para sa pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa botong 19-2-1, ipinasa ng Senado ang Senate Bill No. 2020 o Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Sina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Sen. Risa Hontiveros ang bumoto kontra sa panukala habang nag-abstain si Sen. Nancy Binay.
Wala naman sa ginanap na botohan sa plenaryo na inabot ng madaling araw sina Pimentel, Senators Chiz Escudero at Imee Marcos.
Sa bersyon ng Senado, ipagbabawal na mag-invest sa MIF ang SSS, GSIS, PhilHealth, Pag-IBIG, OWWA at Philippine Veterans Affairs Office.
Bagama’t noong una ay inalis na sa Senate Bill 2020 ang probisyon sa paggamit ng pondo ng GSIS at SSS, malinaw namang nakasaad sa Section 12 ng panukala na maaari pa ring mamuhunan ang mga GFIs at GOCCs sa MIF lalo na kung ito ay aaprubahan ng kanilang board.
Nagmosyon naman sina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa, Raffy Tulfo at Pia Cayetano na amyendahan at magsingit ng probisyon na titiyak na hindi magagalaw ang pension funds ng government at private sector employees.
Iginiit naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na tanggalin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dividends bilang source ng pondo sa unang dalawang taon ng MIF, pero ibinasura ito ni Sen. Mark Villar.
Tinanggap naman ni Villar ang panukala ni Hontiveros na idiskuwalipika sa MIF Board of Directors ang sinumang may nakabinbing kaso na may kinalaman sa fraud, plunder, corrupt practices, money laundering, tax evasion at iba pa.
Kasunod nito, inadopt na ng Kamara sa bicameral conference committee meeting ang bersyon ng Senado sa MIF Bill. Tuma-gal lamang ng 20 minuto ang ginanap na pulong ng bicam sa Manila Golf & Country Club sa Makati.
Kapag naratipikahan na ay diretso na ito sa tanggapan ng Pangulo para malagdaan. (Daris Jose)
-
Guce tumapos na ika-25 sa Michigan, P98K sinubi
NAGSALPAK ng even-par 72 sa likod ng four birdies at two bogeys at one double bogey si Clarissmon ‘Clariss’ Guce para sa three-day aggregate six-under par 210 upang humalo sa triple-tie sa 25th place na mayroong $2,049 (P98K) sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass […]
-
GILAS TAGILID SA THAILAND AT KOREA SA FIBA QUALIFIERS
DAHIL wala pa ring ensayo, nangangamba ang Gilas Pilipinas, na bubuin ng cadets team, sa magiging performance nila sa pagsabak sa tatlong killer games sa loob ng limang araw sa November window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain. Ayon sa ulat, agad na sasagupa ang Gilas kontra sa Southeast Asian foe […]
-
Ex-PRRD nakahandang humarap sa ICC, hinamon ang int’l criminal court
HINAMON ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte ang International Criminal Court (ICC) na simulan ang imbestigahan nito sa kanyang madugong war on drugs. Sa pagharap ng dating pangulo sa pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni Duterte sa ICC na “come here and start the investigation tomorrow,” sabay dagdag na baka yumao siya bago magkaroon […]