Maharlika Investment Fund bill nais pasertipikahang ‘urgent’ kay PBBM
- Published on December 16, 2022
- by @peoplesbalita
NAIS ni House Speaker Martin Romualdez na sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Ayon kay Romualdez, kung siya ang tatanungin ay mas mainam na masertipikahang urgent ang MIF upang agad rin itong mapagtibay sa Kongreso.
Inihayag ni Romualdez na patuloy na dumarami sa kanilang mga kasamahang mambabatas sa Kongreso ang sumusuporta sa nasabing panukala na aabot na sa 216 solons.
Aniya, mas magandang oportunidad na maipasa ng Kongreso ang MIF upang matalakay at maibida na ni Pangulong Marcos sa nakatakdang pagdalo nito sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland sa Enero 2023.
Ibinahagi pa ni Romualdez na sa kanyang pakikipagpulong sa mga banyaga sa sektor ng Finance at Development ay nasasabik ang mga ito sa planong sovereign wealth fund na ayon sa mga ito ay dapat matagal ng ginawa ng bansa.
-
Navotas isinailalim sa State of Calamity dahil kay super typhoon ‘Carina’
ISINAILALIM ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang lungsod sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina. Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyong Panglungsod Blg. 2024-67, na binabanggit na sa ilalim ng state of calamity, magagamit ng pamahalaang lungsod ang kanilang calamity fund at mapabilis ang relief at […]
-
Malonzo nagparehistro na sa 36th PBA Rookie Draft 2020
PASOK na rin para sa Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2020 na nakatakda sa Marso 14 si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Fi-Am Jamie Malonzo. Nagpasa na ng application para sa annual Draft nitong Huwebes ang 6-foot-6 forward at naglaro rin sa United States National Collegiate Athletic […]
-
Pagaganahin ang imahinasyon at interpretasyon sa movie: ROMNICK, puring-puri si ELIJAH at ‘di umaasang mananalo ng award
WALA talagang itulak kabigin sa kahusayan sa pag-arte nina Romnick Sarmenta sa Elijah Canlas sa psychological thriller-drama na “About Us But Not About Us” na entry ng IdeaFirst Company sa 1st Summer Metro Manila Films Festival na nagsimula noong April 8 at magtatapos sa April 18, 2023. Sa imbitasyon ni Direk Perci Intalan, […]