Maharlika wealth funds ‘advantageous’ sa Pilipinas ayon kay PBBM
- Published on December 13, 2022
- by @peoplesbalita
DINEPENSAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatayo ng Maharlika Wealth Fund na siyang magbibigay daw ng dagdag na investments sa bansa.
Sa kanyang unang public statement sa kontrobersyal na bill, sinabi ng president na naniniwala siyang magiging “advantageous” ito sa bansa. “ For sure, I wouldn’t have brought it up otherwise.”
“It’s very clear we need added investment. This is another way to get that,” dagdag pa niya.
Ito ang nagging tugon ng pangulo nang tanungin siya ng reporters habang sila ay patungong Belgium para sa ASEAN-EU Commemorative Summit.
Sinabi rin ni Marcos na dapat daw muna itigil ang mga pagdedebate hangga’t hindi pa nakikita ang “final form” ng proposed bill at mas mabuting hintayin kung ano ang gagawin ng mga mambabatas ukol dito.
“Because we could be debating about provisions that will no longer exist,” ani Marcos.
Sa ngayon, inamyendahan na ng mga mambabatas sa House of Representatives ang Maharlika fund bill matapos umani ng kritisismo ang proposal.
Kasama sa mga binago ang pagtatanggal sa Government Service Insurance System at Social Security System bilang pondo para sa sinasabing sovereign fund bill. Sa ngayon, kita mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang magiging source ng seed money para sa Maharlika fund. (Daris Jose)
-
PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off
Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina. Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang […]
-
PINOY PUGS VS JAPANESE RIVALS SA INT’L BOXING
PINOY laban sa Hapon ang namumuong hidwaan ngayon sa international boxing. Isa pang Philippine-Japan fight ang masasaksihan matapos ang naikasang laban nina Giemel Magramo at Japanese pug Junto Nakatani sa Abril 4 sa Tokyo, Japan. Pag-aagawan nina Magramo at Nakatani ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight crown na iniwan ni Japanese Kosei […]
-
Dec. 26, special (Non-Working) day sa buong bansa
IDINEKLARA ng Malakanyang na special (NON-WORKING) day sa buong bansa ang Disyembre 26, 2023, araw ng Martes. Ito ang nakasaad sa Proclamation No. 425, na ipinalabas ng Malakanyang, Disyembre 12, araw ng Martes, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Sa ulat, ang araw ng Pasko, Disyembre 25 ay inoobserba bilang […]